SARAH, NAPILITANG BUMALIK SA ASAP DAHIL SA OBLIGASYON SA PAMILYA
Updated: Dec 18, 2022
ni Ambet Nabus - @Let's See | December 14, 2022

Bongga ang muling pagbabalik-ASAP ni Sarah Geronimo dahil pang-reyna pa rin ang ibinigay sa kanyang treatment.
Pero ano itong nabalitaan naming wala lang daw talagang choice ang Pop Royalty dahil bukod ang show na ito ang koneksiyon ni Sarah sa mga usaping concerts here and abroad (lalo na abroad na dollars ang TF), eh, "commitment" ito ni Sarah sa parents/family niya?
Matatandaang may naging isyu ng management at hatian sa "project opportunities" ang pamilya ni Sarah at ang Viva Entertainment simula nga nang mag-asawa ang singer-actress.
Ang nasagap pa namin, magtatrabaho pa rin si Sarah para sa dating pamilya niya at meron din naman siyang paghihirapang iba pa (movies, endorsements, etc.) bilang Mrs. Guidicelli.
Ganu’n daw ‘yun, Ateng Janiz.





Comments