top of page

SARAH, NAGSALITA NA SA KUMALAT NA BUNTIS NA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 10, 2023
  • 1 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | October 10, 2023


ree

Usap-usapan na naman ngayon sa showbiz na baka buntis na finally si Sarah Geronimo sa first baby nila ni Matteo Guidicelli.


Nagsimula nga ang espekulasyon ng marami na nagdadalantao na si Popstar Royalty dahil sa pagkakakansela ng show nila ni Bamboo sa Pampanga kamakailan.


Ang sinabing dahilan ng producers sa official statement ay may medical condition si Sarah at kailangan niyang magpahinga.


Nagbunyi na nga agad ang ibang fans nila na naniniwalang preggy na si Sarah na matagal na nilang hinihintay.


Sa latest interview sa mag-asawa ay sinagot ni Sarah ang tungkol sa ‘medical condition’ niya na naging dahilan ng pagkakakansela ng show.


“Medyo nagkulang po ng preparations vocally and physically, so medyo it took a toll doon sa vocal chords ko. Kapag kasama mo kasi talaga si Bamboo, all-out ka talaga, eh. But recovering naman po,” ang sabi ni Sarah sa panayam sa kanila ng entertainment press na dumalo sa isang event nila recently.


Natanong nga rin sila kung ready na ba sila na bumuo ng family at sey ni Matteo, “Sana, sana. Ipag-pray n'yo, sana dragon baby.”


Next year kasi ay Year of the Dragon kaya “dragon baby” ang sinabi ni Matteo.

“In God’s time,” sambit pa ng aktor.


Nang sabihin sa kanilang marami kasi ang nag-speculate na buntis na si Sarah ay natawa na lang ang mag-asawa.


“Sana, sana,” natatawang sabi ni Sarah.


Nang matanong naman kung ready na ba siyang maging mom ay medyo umiwas na si Sarah.


“Grabe naman po kayo. Puwede bang sa ibang pagkakataon na lang po natin pag-usapan ‘yan?


Medyo ano po, ano ‘yan, eh, importante nga po ‘yan. I watched Yeng’s (Constantino) interview at sobra po akong naka-relate,” ani Sarah.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page