top of page

SARAH, IPINAGPE-PRAY NA MAGING MAGAGANDA ANG MGA ANAK NILA NI MATTEO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 14, 2023
  • 1 min read

ni Nitz Miralles @Bida | May 14, 2023



Dumagundong ang Araneta Coliseum nang mag-kiss sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli at mas lumakas pa ang sigawan nang humingi ng second kiss si Matteo.


Dumagundong uli nang banggitin ni Sarah na ipinagdarasal niyang maging magaganda ang mga anak nila ni Matteo.


Tuwang-tuwa rin ang audience sa hirit pa ni Sarah na ang importante, maging healthy at mabait ang baby.


Ibig sabihin nito, ready na ang mag-asawa na magka-baby dahil nang pumirma ng kontrata si Matteo sa GMA Public Affairs, nang matanong kung kailan sila magkaka-baby ni Sarah, ang sagot, “Hopefully, by the end of the year.”


Nakakatuwa rin ang sinabi ni Sarah na “Akalain n’yo, nakapag-asawa ako ng Italyano? Magkaka-baby na kami sa Italy.”


Kuwela rin ang dialogue ni Sarah na “Sana, hindi mauntog at magising.”


Sa kuwento ng isang reporter, hindi lang sa Italy ang property ni Matteo o ng pamilya nito.


Malawak ang farm ni Matteo sa Paete, Laguna at siguradong may mga properties din sa Cebu. In good hands nga si Sarah at ang kanilang magiging mga anak.


Speaking of Matteo, this Sunday ang airing ng interview sa kanya ni Jessica Soho sa Kapuso Mo, Jessica Soho. Maraming malalaman ang mga fans nina Matteo at Sarah

sa nasabing interview.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page