SARAH AT RICHARD, SEPTEMBER PA RAW HIWALAY
- BULGAR
- Nov 4, 2023
- 2 min read
ni Janiz Navida @Showbiz Special | November 4, 2023

Sa gitna ng usap-usapan ngayon sa social media tungkol sa diumano'y hiwalayan ng showbiz couple na sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati, nag-post ng update ang aktres sa kanyang Instagram account ng kinaroroonan niya at ng dalawang anak na sina Zion at Kai.
Nasa bakasyon pala ngayon sa Camarines Sur ang mag-iina ni Chard at sa caption ng post ni Sarah, mababasa ang: "Embracing the simple joys found in nature’s loving presence.
Nu'ng una naming makita ang post ni Sarah, hindi pa naka-off ang comments section kaya ru'n mababasa ang mga mensahe ng mga netizens, na ang ilan ay ramdam mo ang concern at panghihinayang kung totoo raw na hiwalay na ang mag-asawa, habang 'yung iba naman ay nakikitsismis lang at waiting for confirmation.
Ang daming nagtatanong kung ano na raw ba talaga ang estado ng relasyon nina Sarah at Richard, pero ni isa, wala ngang sinagot si Sarah hanggang sa tinurn-off na lang siguro nito ang comments section para matigil na ang mga nagko-comment.
Pero bago pa nai-turn-off ni Sarah ang comments section, nabasa na namin ang komento ng isang follower ng mag-asawa na September pa lang daw ay napansin na niyang hindi na nagpo-post si Sarah ng mga pictures na kasama si Richard.
Either solo picture na lang ng aktres o silang mag-iina ang ipino-post nito.
May mga nagsabi namang baka nagkatampuhan lang ang dalawa at maayos pa ang problema. May mga nagpayo nga kay Richard na suyuin si Sarah at 'wag hayaang masira nang tuluyan ang kanilang pamilya dahil sayang naman daw.
Well, normal naman talaga ang tampuhan at pag-aaway sa isang relasyon at siguro, kailangan lang ng time and space nina Richard at Sarah kung totoo mang may pinagdaraanan sila ngayon.
Sa pagkakakilala naman namin kay Chard, hindi nito hahayaang masira ang kanyang pamilya nang ganu'n-ganu'n lang at hindi siya susuko sa isang laban nang talunan lalo't siya ay may "Iron Heart"!
Char! Naipasok pa raw talaga, oh!





Comments