top of page
Search
  • BULGAR

SARAH AT RICHARD, CO-PARENTING PERO 'DI NAG-UUSAP

ni Angela Fernando - Trainee @News | February 28, 2024




Patuloy sa co-parenting setup sina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez kahit sabihin pang hindi nagpapansinan o nag-uusap ang dalawa.


Hindi man direktang kinumpirma ni Sarah ang kanilang hiwalayan ni Chard, matapang namang ibinulgar nito sa isang latest interview kung paano sila naghahati sa oras para makasama ang kanilang mga anak na sina Zion at Kai.


"It's not easy on any child, but I'm here for them. And they're better," saad ng aktres.

Pagbabahagi ni Sarah, hindi ideal para sa kanilang mga anak ang setup ngunit ganu'n talaga ang buhay at magiging maayos naman din ang lahat.


Chika ni Sarah, priority lang nila ngayon ni Chard ang kapakanan ng dalawang bata at inaming hindi sila on speaking terms ng aktor.


Matatandaang uminit lalo ang usapang hiwalay na ang dalawa matapos na inispluk ni Annabelle Rama na babalik na si Richard sa tahanan ng kanyang pamilya for good.

Wala pa namang pahayag ang kampo ni Richard at ang mga Gutierrez habang isinusulat ang artikulong ito.


0 comments

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page