SARAH AT MATTEO, NAKI-B-DAY PARTY SA KAPATID NI MOMMY DIVINE
ni Nitz Miralles @Bida | February 20, 2023

Tuwang-tuwa ang mga fans nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli nang makita ang larawan nila kasama ang relatives ng Pop Princess.
Dumalo raw sina Sarah at Matteo sa birthday celebration ng sister ng mom ni Sarah na si Mommy Divine.
Ang nabasa namin, lumipad papuntang Dumaguete City sina Sarah at Matteo para mabati ang tita niya sa birthday nito.
Ang positive ng mga photos na nakita namin, lahat ng kasama sa groupie ay nakangiti. Siguradong masaya ang mga relatives ni Sarah na muli siyang makita at kasama pa ang husband niya.
Dahil sa photos nina Sarah at Matteo with Sarah’s relatives, muling nabuksan ang isyu kung kailan daw ba matatanggap ng family ng aktres ang mister niya?
Sana raw, kapag nagka-apo na ang parents ni Sarah, welcome na uli sa kanila sina Sarah at Matteo.





Comments