Sara Duterte, hinayaang abogado ang magsalita sa voting threshold

by BRO @News | September 27, 2026

Photo: Courtesy Reuters / Circulated
Hindi muna nagbigay ng sariling posisyon si Vice President Sara Duterte sa desisyon ng Senate Impeachment Court na baguhin ang basehan ng bilang ng boto para sa conviction, at sa halip ay hinayaan ang kanyang defense team na magsalita tungkol dito.
Ayon kay Duterte, maaaring mapagalitan siya ng kanyang mga abogado kung magsasalita siya tungkol sa isyung kanilang hinahawakan.
Kinumpirma rin niyang alam niya ang petisyon ni dating Executive Secretary Vic Rodriguez sa Supreme Court na kumukuwestiyon sa ruling ng impeachment court.
Sinabi ni Duterte na hihintayin niya ang magiging komento ng kanyang defense team.





Comments