Upper Marikina River Basin, 8 sa 10 lugar delikado sa landslide

by BRO @News | September 27, 2026

Photo: Upper Marikina River Basin / Courtesy - Gina Lopez
Halos walong ektarya sa bawat 10 ektarya ng Upper Marikina River Basin Protected Landscape (UMRBPL) ang may mataas na panganib sa landslide, ayon sa isang pag-aaral ngayong 2026.
Lumabas sa pag-aaral na slope ang pinakamalaking salik sa landslide susceptibility, na may 28.04% kontribusyon. Sinundan ito ng land use at land cover sa 20.50% at average annual rainfall sa 20.08%.
Samantala, 46.39% ng lugar ay classified bilang highly susceptible at 1.80% naman ang very highly susceptible sa landslide.
Nitong buwan, tinamaan din ng landslide ang bahagi ng Marilaque Highway sa Baras, Rizal, na pansamantalang nag-block sa halos apat na kilometro ng kalsada.





Comments