top of page
BULGARY - BARON, IBINUKING NG MISIS NA NASA SAFE PLACE_IG _baron.gesler.jpeg

Pastor at Korean missionary, dedo sa ilog

Writer: BULGAR
BULGAR
1 hour ago
1 min read

by Jeff Tumbado @News | September 27, 2026



Pastor at Korean missionary nalunod sa Abra - Boliney PNP

Photo: Circulated - Boliney PNP



Nasawi ang 69-anyos na South Korean missionary at kasamang edad 49 na pastor matapos silang malunod sa Ikmin River sa Sitio Bani, Poblacion, Boliney, Abra noong Biyernes, Setyembre 25.


Nakilala ang mga biktima na sina Hye Sook Byeon at ang pastor na si Zosimo Gaano ng Jesus Our Banner Church.


Ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), tinangay si Byeon ng malakas na agos ng ilog.


Sinubukan naman siyang sagipin ni Gaano, ngunit tinangay rin ito ng rumaragasang tubig.


Narekober ang katawan ni Byeon alas-2:39 ng hapon sa Sitio Paak, Poblacion habang natagpuan naman ang labi ni Gaano alas-6:30 ng gabi sa Bantay, Sallapadan, Abra, matapos ang search and rescue operation sa bahagi ng ilog na nasa pinakaibabang lugar.


Sinasabi sa imbestigasyon na ang dalawang biktima ay nagkaayaan umanong maligo sa nabanggit na ilog.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page