top of page
BULGARY - BARON, IBINUKING NG MISIS NA NASA SAFE PLACE_IG _baron.gesler.jpeg

Modus, buking ng Chinese BF... 23-anyos na GF, kulong sa P330K love scam

Writer: BULGAR
BULGAR
1 hour ago
1 min read

ni Gina Plenago @News | September 27, 2026



Love scam sa Chinese national - NCRPO

Photo: National Capital Region Police Office - NCRPO



Natimbog ang 23-anyos na babae at isang lalaking kasabwat, sa entrapment operation ng National Capital Region Police Office (NCRPO) dahil sa umano'y romance-scheme estafa sa isang Chinese national na hinuthutan para sa pamamanhikan at kasal, sa Pasay City, nitong Sabado ng umaga.


Hinuli ang babaeng suspek nang tanggapin ang P10,000 marked money kung saan inaresto rin ang 29-anyos na lalaking kasama nito, na nagtangkang itakas siya sa mga awtoridad.


Alas-10:20 ng umaga (Setyembre 26) nang mangyari ang entrapment sa Seaside Boulevard, Brgy. 76, Pasay City.


Ayon sa Sub-Station 10 (MOA) ng Pasay City Police Station, dumulog sa pulisya ang 30-anyos na Chinese national na nagtatrabaho sa isang money changer dahil sa umano'y P130,000 na nakuha sa kanya at patuloy pa sa panghihingi, sa modus na kailangang ipakita sa mga magulang ng babaeng suspek ang pera, para payagan ang pamamanhikan at kasal.


Pilit umanong kinumbinse ng babae ang Chinese na babasbasan ng kanyang magulang ang kanilang relasyon sa paghingi ng P130,000, nasundan ng P200,000 at nang sundan pa ng karagdagang P10,000 ay idinulog na ng biktima sa pulisya.


Nahaharap ang mga suspek sa reklamong Estafa sa ilalim ng Article 315 ng Revised Penal Code at Obstruction of Justice sa ilalim ng Presidential Decree 1829.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page