Sapaw sa gay impersonator… VICE GANDA, AGAW-EKSENA NA SA CONCERT NI LADY GAGA, DEDMA PA RIN
- BULGAR
- 2 hours ago
- 3 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | May 21, 2025
Photo: Vice Ganda sa concert ni Lady Gaga - IG
Agaw-eksena ang It’s Showtime (IS) host na si Vice Ganda pagdating niya sa venue ng concert ni Lady Gaga sa Singapore last Sunday, May 18.
Ipinost ni Vice sa kanyang socmed (social media) accounts ang short videos ng pagrampa niya papasok sa isang stadium na venue for the opening night of Lady Gaga’s Mayhem concert tour.
Pormang Lady Gaga siyempre ang look ni Vice from head to toe wearing a red ensemble.
As usual, may nang-bash kay Vice sa kanyang outfit. OA raw at sobrang papansin.
Pero dinepensahan naman siya ng kanyang mga followers saying na ganoon naman talaga ang mga fans ng international artist kapag nanood sa concert ng kanilang idolo.
Ginagaya nila ang outfit ng idol nila at mas madalas sobrang exagg pa ng suot nila. Ginagawa nila ‘yun para talaga magpapansin sa idolo nila.
At si Vice, matagal nang fan ni Lady Gaga. Kaya kung awrahan din lang naman, of course, ‘di pahuhuli ang IS host.
Ang tanong lang ay kung napansin kaya si Vice ni Lady Gaga during the concert? May nag-viral kasi na isang gay impersonator ni Lady Gaga ang nakuha ang pansin ng singer sa concert at nakapagpa-picture pa with her.
PATULOY na nananahimik si dating OWWA (Overseas Workers Welfare Administration) Arnell Ignacio sa pagkakasibak sa kanya sa puwesto at sa alegasyon ukol sa unauthorized P1.4 billion deal.
Sa kabila nito, panay ang pagtatanggol kay Arnell ng mga taong naniniwala sa kanya and at the same time, ang pagbira ng kanyang mga kritiko.
May naniniwala na biktima si Arnell ng pulitika sa bansa dahil sa dalawang political parties na dating united pero ngayon ay nagbabangayan na.
Masyadong identified daw kasi si Arnell sa partido ni dating Presidente Rodrigo Duterte, habang “winawalis” daw ng nakaupo sa gobyerno ngayon ang mga kaalyansa ni FPRRD.
Sey ng mga netizens:
“In 2022, Ignacio was appointed by President Bongbong Marcos as the new administrator of OWWA.
“But in May 2025, he was dismissed from the same position due to loss of trust and confidence following his involvement in a P1.4-billion land acquisition deal intended for the accommodation of Overseas Filipino Workers that was allegedly acquired without the required legal approval and authorization of OWWA's Board of Trustees.”
“Pandemic pa lang, nasa OWWA na s’ya.”
“He was first appointed by Duterte in 2016 to Pagcor as a political reward. And then to OWWA in 2019. He stepped down in 2019. He was appointed again to OWWA by Marcos in 2022 before the demise of the Uniteam.”
May pa-benefit of the doubt naman ang ibang mga netizens kay Arnell.
“What if lang naman inutusan si Arnell to do that or else tatanggalin s’ya? Then in the end, that very thing he did to keep his post is what they will use against him. It sucks to be a pawn in the game.”
“Smart naman ‘yan si Arnell. Alam niya from the very start ang pinasok niya. Walang what if sa gobyerno. Part siya ng gov and mataas pa position. Have you seen his very expensive watches?!”
“Imposible na hindi alam ‘yan ng board of trustees unless lagi lang silang tulog.”
“This should be investigated. Something is not right. Parang nagamit lang si Arnell.”
Kaya panawagan nila kay Arnell, magsalita na para malaman ang katotohanan.
“I would like to hear Arnell’s explanation, and the evidence presented. We need transparency.”
“Arnell, magsalita ka and defend yourself. ‘Wag ka matakot.”
We heard from a source, in due time ay magsasalita rin si Arnell to clear his name. But as for now, quiet muna siya.
Sa true lang, baka lumala pa ang sitwasyon kapag nagsalita si Arnell. Remember, nakaupo sa gobyerno ang makakanti niya once he reveals his side.
Mas makabubuti siguro talaga na quiet na lang muna si Arnell. Nalaman namin from a source na mabuting magkaibigan pala si Arnell at ang ipinalit sa kanya bilang bagong OWWA administrator na si Patricia “PY” Caunan.
At si Admin PY pala ay dating schoolmate sa elementary ni First Lady Liza Marcos sa Poveda.