SANYA, PROUD NA SI JOHN LLOYD PA ANG NAGPA-VIDEO GREET SA KANYA
ni Nitz Miralles - @Bida | September 7, 2022

Dream come true para kay Sanya Lopez na makatrabaho si John Lloyd Cruz at nangyari ito nang mag-guest siya in last Sunday’s episode of Happy ToGetHer, ang sitcom sa GMA-7 na pinagbibidahan ng aktor.
Kahit guesting lang ‘yun at ilang eksena lang silang magkasama, masayang-masaya pa rin si Sanya. Noon pa nito sinasabi na dream niyang makatrabaho si JLC na may show nga sa GMA.
Sa interview kay Sanya sa Balitang Tanghali, puring-puri nito si JLC na sa una ay inobserbahan niya. Mabait daw ang aktor, very nice, mahiyain at nagpa-video greet pa sa kanya.
“Siya 'yung mag-a-adjust. 'Yung level na s’ya pa ‘yung nagpa-video greet sa 'kin. Bago s’ya magpa-video greet sa 'kin, hiyang-hiya siya, daming explanation.”
Dahil sa guesting na ‘yun ni Sanya sa sitcom ni JLC, may mga nag-suggest na bakit hindi pagtambalin ang dalawa sa teleserye ng GMA-7? Kung hindi raw puwede si Bea Alonzo, bakit hindi si Sanya ang ipareha kay JLC?
Kaya lang, nabalita nang si Marco Gumabao ang makakapareha ni Sanya sa susunod niyang teleserye pagkatapos ng First Lady with Gabby Concepcion. Habang wala pa ‘yun, maliban sa guesting, ini-enjoy muna ni Sanya ang pagpapahinga at marami siyang puwedeng gawin habang wala pang teleserye.





Comments