Santisima tagumpay sa TKO vs. Ogun
- BULGAR

- 5 days ago
- 1 min read
by Gerard Arce @Sports News | August 18, 2026

Photo: Santisima (seagnetworkpix)
Babalik ng bansa si Pinoy top super-bantamweight prospect Alex “Savage” Santisima Jr. hawak ang malaking upset victory kontra kay dating world champion at highly-rated Japanese boxer Yukinori Ogun isa bisa ng eight round technical knockout nitong weekend na ginanap sa Korakuen Hall sa Tokyo, Japan.
Hindi inaasahan ng kampo ng 26-anyos na si Santisima mula Cebu City ang magulpi ang dating International Boxing Federation (IBF) super bantamweight champion matapos ipahinto ni referee Katsuhiro Nakamura ang laban sa 1:08 ng eighth round, kasunod ng serye ng mga kumbinasyong upak na binitawan ni Santisima sa naturang round, kabilang ang mabigat na kanang hook na tuluyang nagbigay ng senyales sa Japanese referee.
“Winning every round lang talaga ang plano namin at i-out box siya (Oguni). Wala sa plano na ma-knockout si Oguni. Bonus na lang talaga yung TKO,” pahayag ni head trainer Michael Domingo sa panayam ng Bulgar Sports kahapon.
Naging madiin ang mga binibitawang mga patama ng Cebuano boxer higit na sa nagdaang tatlong round, mga pagkakataon na nahirapang makarekober ang Japanese boxer, na matatandaang tumalo kay dating unified 122-pound champion Marlon “Nightmare” Tapales at nagpahirap kay three-division world champion John Riel “Quadro Alas” Casimero. “Gusto pa yata nila mag-rematch, [pero] pinag iisipan pa namin,” wika ni Domingo.





Comments