top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Sangkot sa rambulan sa bar… AWRA, PUMALAG SA MGA PULIS, PINOSASAN, DINALA SA PRESINTO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 30, 2023
  • 2 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | June 30, 2023




Sangkot ang batang komedyante na si Awra Briguela sa rambulan sa isang bar sa Makati City kahapon nang madaling-araw.


Ipinost ng Facebook account na may pangalang James Anthony Lim ang naturang video na kuha mula sa gulong nangyari sa Bolthole Bar sa may Poblacion, Makati City.


Sa umpisa ay mapapanood ang dalawang grupo ng mga kalalakihan na nagsusuntukan.


Pilit silang inaawat ng ilang security guards at barangay tanod. Pero makikita rito na may isang lalaking napuruhan ng suntok sa mukha ng kanyang kalaban at humandusay pa sa semento.


Makikita rin sa naturang video ang paglitaw ng tila isang nakasuot ng super fit na light brown long sleeves shirt na nakapusod ang blonde hair na biglang humalagpos pagkatapos maipit sa dalawang grupong nagpang-abot at nagkasuntukan.


Sa pangalawang video ay makikitang inabot na nang umaga ang kaguluhan at makikita rin na pinoposasan ng mga pulis ang naturang nakapusod na blonde hair habang pilit na pumapalag.


Maya-maya ay isinasakay na ng mga pulis sa kanilang sasakyan ang naturang nakapusod na blonde hair na makikitang nakikipagtalo pa sa mga otoridad.


Dito na nga makikita ang mukha ni Awra. Wala rin itong nagawa kundi ang sumakay sa sasakyan ng mga pulis kasama ang iba pang kalalakihan na sangkot din sa rambulan sa labas ng Bolthole Bar.


Caption ng video post: “Awra n’yo nagmaoy (nagwala) sa labas ng BOLTHOLEBAR – POBLACION, eeeyyy!”


Sa comment section ay may isang female netizen ang pilit nakikiusap na tanggalin ang naturang video, “Pakibura naman.”


“Guys you know what? ‘Di naman need video-han pa, porke’t sikat? Para saan?? Hakot likes at hakot comments?! Karamihan nga sa mga ‘di sikat na nag-iinom ‘pag nagmaoy ay natutulog sa kalsada, eh. Pakibura naman niyan.”


May nag-post din ng comment na nagsasabi kung ano ang naging dahilan sa naganap na rambulan sa Bolthole Bar.


The story behind this is may kaibigan siyang babae na binastos. PAKI-DELETE ‘YUNG VIDEO! ‘DI NAMAN KAYO NAKAKATULONG.”


Habang tinitipa namin ang aming kolum, a source told us na nasa presinto si Awra. At ayon pa sa aming source, nakarating na raw kay Vice Ganda ang nangyari sa kaibigang komedyante.


May inutusan daw ang comedian-TV host para puntahan si Awra sa presinto. Nasa Ormoc City kasi si Vice nu’ng maganap ang pangyayaring ito sa batang komedyante.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page