Sangkatutak ang cash ng gobyerno, ibinubulsa nga lang mga swapang na pulitiko
- BULGAR
- Aug 15, 2021
- 2 min read
ni Ka Ambo - @Bistado | August 15, 2021
MaramI ang nagagalit dahil hindi pa nila natatangap ang kanilang SAP.
Kailangan daw nila itong makuha bago ang laban ni Sen. Manny Pacquiao kay Yordenis Ugas.
Para mayroon sila pamusta!
◘◘◘
WALA na raw cash ang ordinaryong tao.
Natalo na sa e-sabong!
◘◘◘
DEPRESYON at stress ang nararanasan ng mga naka-lockdown.
At isang sintomas nito ay ang pagbibisyo o pagsusugal!
◘◘◘
HINDI na maasahan ang social media tulad ng Facebook para sa reliable information.
Ito ay karagatan ng impormasyon na very polluted sa fake news!
◘◘◘
HIGIT pa ring maasahan ang main stream media.
'Yan ay kung nasa tamang katinuan ang mga news executives!
◘◘◘
NAGPAPAGAMIT kasi ang malaking news agency sa pag-exploit ng mga inosenteng sibilyan.
Ninanakaw nila ang content at hindi nagbabayad nang tamang obligasyon kapalit ng espesyal na impormasyon!
◘◘◘
IRESPONSABLE rin kasi ang mga traditional news agency.
Nasanay sila sa pangongopya at pagnanakaw ng content sa paligid!
◘◘◘
KARANIWANG libre nilang nakukuha ang impormasyon sa mga excited na “ma-TV” kahit nagkagastos sila ng malaki.
Dapat may batas na awtomatikong magbabayad ang mga news agency sa mga special information na nakukuha sa ordinaryong mamamayan.
◘◘◘
EKSAMPOL dito ay ang popular na mga social media platform.
Nagkukusa ang mga tao na i-post ang personal activities nila sa motibong makapagyabang lang.
At pinagpipiyestahan ang impormasyon ito, lalo na kapag may naiinggit sa kanila!
◘◘◘
AARMASAN daw ang mga bumbero.
Ito ay para ma-salvage ang apoy!
◘◘◘
NAKONTROL na ng Taliban ang buong Afghanistan.
Nagsisitakas na ang mga Kano at Britain mula sa Kabul!
◘◘◘
MATAGAL nang kontrolado ng Taliban ang Afghanistan, pinakiaalamanan lang ng US.
Lehitimong nasa ilalim ng kultura ng Taliban ang Afghanistan kung saan sila dapat ang mangangasiwa sa sarili nilang populasyon!
◘◘◘
MALINAW na makakalaya na ang Afghanistan sa pananakop ng mga dayuhan.
'Yan ay dapat igalang ng buong daigdig.
May sarili silang kultura, batas at soberaniya.
Dapat itong maunawaan ng lahat, walang pakialamanan 'yan!
◘◘◘
SANGKATUTAK pa rin ang cash ng gobyerno.
'Yun nga lang, nasa bulsa ng mga pulitiko!





Comments