top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Sangiao at Loman, sakalam sa ONE Winter Fight Debut

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 19, 2021
2 min read

ni Gerard Arce - @Sports | December 19, 2021




Naging matagumpay sa kanilang ONE Championship debut sina Team Lakay members Jhanlo Mark “The Machine” Sangiao at Stephen “The Sniper” Loman, ngunit kapwa nabigo ang mga beteranong sina Kevin “The Silencer” Belingon at Danny “King” Kingad, Biyernes ng gabi sa ONE: Winter Warriors II sa Singapore Indoor Stadium.


Maagang tinapos ng 19-anyos na panganay na anak ni Team Lakay head coach Mark Sangiao ang katapat na si Paul “The Great King” Lumihi ng Indonesia sa bantamweight bout sa 1:41 ng first round mula sa rear-naked choke para sa pambuwenamanong panalo. “This was my dream when I was a kid. I don’t want to gamble. I know he’s a striker, so I just put him down and submit him,” pahayag ni Sangiao na nakuha ang ika-apat na first round finishes sa apat na laban.


Maaga namang nagpakilala ang 29-anyos na dating BRAVE CF bantamweight champion na si Loman nang patumbahin si No.3 ranked contender Yusup “Maestro” Saadulaev ng Russia sa 4:09 ng first round kasunod ng eksaktong kaliwang hook sa panga na nagpadapa sa Russian fighter.


Dahil sa nakuhang panalo ay nakamit ng Baguio City native ang ika-9th fight winning streak at unang laban sa ONE Championship. “We’re always doing that combination. We practiced a lot and I just got my timing. I timed his punches and once he comes in, the plan went right and that’s it,” saad ni Loman na puntirya para sa titulo si ONE bantamweight champion Bibiano “The Flash” Fernandez ng Brazil.


Isang nakakagimbal na kaliwang hook sa rib cage ang nagpatumba kay dating ONE bantamweight titlist na si Belingon sa second round mula kay South Korean taekwondo blackbelt ‘Pretty Boy” Kwon Won Il sa co-main event sa nalalabing 52 segundo at ipahinto na ni referee Justin Brown ang laban.


Tulad ni Belingon, bigo rin si Kingad na makamit ang inaasam na world title shot nang pahirapan ng wrestling skills ni dating ONE Flyweight title holder Kairat “The Kazakh” Akhmetov via unanimous decision.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page