top of page
Search
  • BULGAR

SANDARA, NAKIKIPAG-BREAK SA BF BAGO PA KUMALAT ANG SCANDAL

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | October 12, 2022



Sa edad niyang 37 ay hindi pa pala nakakaranas si Sandara Park ng long-term relationship. Ito ang ini-reveal niya nang mag-guest siya sa Korean variety show na Problem Child in House recently.


Ang dahilan ay mahigpit na ipinagbabawal ito ng kanyang dating management agency.


“I had a ‘good kid’ complex, so if they said ‘No dating’ then I didn’t do it,” she said.


“Even if men came to see me (at my dorm), I’d turn them away saying I’d get in trouble. I’d say, ‘I think there are paparazzi in front of my house’ but they all said that no one was paying attention to me. After that, I’ve dated face-to-face but no one believes me,” paliwanag pa niya.


Nagkaroon naman daw siya ng relationship dahil later on ay pumayag na rin ang kanyang management. Pero ang maganda kay Sandara, hindi siya na-involve talaga sa dating scandal na isa rin talaga sa mga iniiwasan ng mga artista sa South Korea.


“Well, it’s because I always break up before our photos are ever taken. I break up before any rumors start to spread. That’s why. I’ve never dated anyone for that long,” paliwanag pa ng dating member ng South Korean girl group na 2NE1.


Pero ngayon daw ay ready na siya for a long-term relationship dahil nga 37 na rin naman siya.


“Now, I want a long-term relationship. I’ve moved out on my own, my situation’s better, and I’ve become more mature,” sey ng dalaga na minsan ding sumikat dito sa Pilipinas.


0 comments

Recent Posts

See All

Commentaires


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page