SANDARA, NAKABALOT LANG NG KUMOT, PINAGKAGULUHAN SA PARIS FASHION WEEK
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | October 5, 2022

Napansin at pinag-usapan si Sandara Park sa nakaraang Paris Fashion Week nang dumalo na may kakaibang hairstyle, ang Super Saiyan/Vegeta look.
Naintriga rin ang lahat nang makita si Sandara sa kanyang outfit na parang nakabalot lang ng makapal na blanket o kumot, kumpara kay Heart Evangelista na mula ulo hanggang paa ay puro branded ang suot with matching milyones na jewelries at may sarili ring glam team na nag-aayos sa kanya kapag dumadalo sa mga events sa Paris, France.
Kaya tiyak na mapapadalas ang pagrampa ni Sandara Park dahil nakatanggap siya ng 12 invitations sa Paris Fashion Week, bukod pa sa ibange events.
Kilalang-kilala na rin si Sandara Park dahil sumikat sa Korea ang dati niyang K-Pop girl group na 2NEI.
Effortless ang kanyang ginawa upang mapansin sa Paris Fashion Week. Inaabangan tuloy ng lahat ngayon ang magiging reaction ni Heart Evangelista sa pagsulpot ni Sandara Park na pinagkaguluhan din sa Seoul, South Korea.
Papayag ba si Heart na ma-outshine siya ni Sandara Park?





Comments