Sampal sa mga bashers na laos na siya… LIZA, NAG-POST NG PIKTYUR NA WALANG BRA
- BULGAR

- 10 hours ago
- 2 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | August 6, 2026

Photo: Liza Soberano - Instagram
Pinuri si Liza Soberano sa pagrampa niya para sa isang sikat na international brand ng mga damit at accessories.
Trending ang black-and-white photo ni Liza na nakalabas ang suot niyang underwear at braless na natatakpan ng black blazer.
Kung sa iba lang at ganyan ang suot, tiyak na hindi bagay at mahalay tingnan. Pero dahil si Liza ‘yan, kering-keri niyang dalhin at hindi malaswang tingnan.
Ganyan din ang komento ng mga netizens sa latest na ganap ni Liza abroad.
“Classy pa rin kahit medyo sexy and alam mo ‘yung may mga limitations pa rin s’ya.”
“Liza Soberano stunning in a sleek, sheer black gown.”
Proud din ang mga fans ni Liza sa nangyayaring career niya sa United States (US).
Sey ng isang fan, “Well, to those saying na laos s’ya, look at her. She’s busy slaying in Hollywood, representing Filipinas with pride and bringing Filipino culture to the global spotlight.”
‘Yun na!
Ayaw magpa-rehab, nagtago…
UTOL NI ECHO, BALIK-PAMILYA NA
Umuwi na ang younger brother ni Jericho Rosales na si Jeremiah Rosales sa kanyang pamilya. After 40 days, bumalik na siya sa piling ng kanyang asawa at mga anak.
Sa exclusive interview ni Julius Babao kay Jeremiah, idinetalye nito ang buong katotohanan.
True ang naunang reports na nakatunog itong muli siyang ipapasok sa rehab.
Ibinulgar ni Jeremiah na nagkaroon sila ng alitan ng kanyang anak at Starworx artist na si Felize Rosales. Sinabi ng anak kay Jericho ang mga ginagawa at bisyo ng ama. Kaya pumayag ang aktor na ibalik ulit si Jeremiah sa rehab.
Tutol dito ang kapatid dahil tatlong taon siyang mananatili sa loob ng rehab. Hindi raw niya kayang hindi makita ang kanyang pamilya nang ganoon katagal.
Tumuloy daw siya sa bahay ng madrasta niya, dating asawa ng papa nila ni Jericho. Pagkatapos ay tumira rin siya sa bahay na minana ng mama nila sa Bicol.
Nagtrabaho si Jeremiah sa Bicol bilang construction worker. Kumikita raw siya ng P560 per day.
Unknowingly, patuloy pa rin ang pagpapadala ng tulong ni Jericho kay Jeremiah sa Bicol para sa pagkain ng utol.
After more than a month, nag-decide nang umuwi si Jeremiah sa pamilya niya sa Antipolo. Tinanggap naman siya agad ng partner niyang si Jane Ethel Gonowan.
Nakatira si Jeremiah at ang pamilya niya sa bahay na binili ni Echo sa Antipolo pagkatapos niyang manalo bilang Mr. Pogi.
Kasama niyang humarap kay Julius during the interview sina Jane, Timothy, at Felize.
Wala ang isa pa nilang anak na si Liana Rosales na nag-aartista sa Vivamax.
Wish ni Jeremiah na magkaroon ng trabaho at hopefully, magkaroon ng offer for him na makapag-artista ulit.
Pahayag ni Jeremiah, “I will try harder to provide for my family. Felize, anak, sorry. Liana, you’re welcome here. You’re welcome here but please iayon natin ang buhay natin sa tama. Kung anuman ‘yung galit ko sa inyo, may pinanggagalingan ‘yun na gusto ko kayong itama.
“Sa dalawang anak ko naman, kay Felize, I’m proud of you, anak. Always. You always make me proud as a dad. Timothy, keep up the good work for being a religious boy and athletic boy. Mag-gym tayo palagi, anak.”
Sana magtuluy-tuloy na ang magandang pagbabago ni Jeremiah.





Comments