Pinagselosan daw ni Mark… NYOY, INAMIN ANG NAKARAAN NILA NI JENNYLYN

ni Mercy Lejarde @Talkies | September 20, 2026

Photo: IG _nyoyvolante & _mercadojenny
“Sobrang naging close lang kami before,” ang pahayag ng singer na si Nyoy Volante nang tanungin siya ni Boy Abunda tungkol sa naging relasyon nila noon ng aktres na si Jennylyn Mercado.
Nag-guest si Nyoy sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) kamakailan at napag-usapan nila ang tungkol sa aktres, kabilang na kung niligawan niya ba ito noon.
Tanong ni Boy, “Niligawan mo ba noon si Jennylyn Mercado?”
Sagot ni Nyoy, “Hindi. Tito Boy, ganito, Jennylyn and I, nu’ng mga panahon na ‘yun, there was a point in time na naging close kami talaga, she was watching my shows...”
Muling nagtanong si Boy, “How close was close?”
Sagot ni Nyoy, “Um, call it what you want. But it was close. It was close.”
Dito naman nabanggit ni Boy ang napabalitang pagseselos umano ni Mark Herras kay Nyoy noong panahong iyon.
“Kasi nakuha ko lang ‘yung balita na nagselos daw sa ‘yo si Mark Herras during that time,” saad ni Boy.
“Wow, grabe naman! ‘Di ko na alam ‘yun,” sagot ni Nyoy.
Hirit pa ng King of Talk, “Pero saan umabot? Naging kayo ba? Officially together?”
Paglilinaw ni Nyoy, “‘Di ko alam, walang any label. What we had was what we had. It was there. I definitely was fond of her pero ‘yun nga, whatever we had before is, not for being safe, pero wala naman s’yang label or anything. Basta ang alam ko, sobrang naging close lang kami before.”
Anyway, at least ay naging close friend mo ang nag-iisang Jennylyn Mercado.
Fan daw niya, sinagot ang call…
BARON, NABIKTIMA NG SCAMMER
MUNTIK nang mabiktima ang aktor na si Baron Geisler matapos siyang tawagan ng isang babaeng inakala niyang tagahanga niya.
Nagbahagi si Baron sa kanyang Facebook (FB) Stories ng babala tungkol sa insidenteng kanyang naranasan at hinikayat ang kanyang mga followers na mag-ingat sa mga random na tawag at mensahe, lalo na mula sa mga taong nagsasabing fans sila.
Aniya, “This morning, something really weird happened. A girl who I thought was a fan messaged me saying I should call her because it was urgent, so I answered.
“The moment the call started, she was doing something inappropriate on camera. I immediately realized this was some kind of scam, and apparently I’m not the only one who got targeted. This has been an ongoing scam. Please be careful with random calls/messages, especially from people claiming to be fans.”
Anyway, ingat-ingat na lang, guys, sa mga dumaraming scammers.
PATULOY ang pag-ingay sa OPM scene ng singer na si Debbie Lopez, na mas kilala bilang ‘The Radiance Icon ng OPM’.
Kamakailan lang ay nagwagi si Debbie bilang New Recording Artist of the Year sa katatapos na 17th Philippine Movie Press Club (PMPC) Star Awards for Music.
Ngayon naman, may panibagong pasabog ang Radiance Icon sa kanyang latest single na Tindog, isang upbeat song tungkol sa pagbangon mula sa heartbreak at mga pagsubok sa buhay.
Mapapakinggan na ang Tindog sa iba’t ibang major streaming platforms. Hango ito sa personal na karanasan ni Debbie, partikular sa kanyang journey ng pagbitaw sa kanyang first love matapos ang 27 taon.
Ang Tindog, na nangangahulugang ‘bangon’ o ‘ahon’ ay kinakanta sa Cebuano, Tagalog at English. Preview din ito ng kanyang debut album na Radiance, na nakatakdang ilabas bago matapos ang taon.
“It’s about moving on,” ani Debbie.
“It’s based on my own experience. I had to let him go kasi sasakit lang ang dibdib ko.
“‘Pag kumakanta ako, napi-feel ko talaga ‘yung lahat ng emotions,” dagdag pa niya.
Ayon kay Debbie, mas nahihilig siya sa mellow at millennial tunes at nagbibigay din siya ng sariling input sa mga composer niya.
Para naman sa Radiance Icon, mahalagang ibigay ang buong effort sa bawat proyekto at trabaho.
“You have to choose talaga what’s the best for you. Lagi naman akong all-in sa mga proyekto at trabaho ko,” ani Debbie.
Samantala, nakatakda na ang recording ng Radiance sa September 26. Lyrics and music ito ni Zillah Cabarles, habang si Adonis Tabanda ang music director, producer at arranger.
At take note, may nakatakda ring international project si Debbie sa 2027 sa Malaysia at Singapore.
May plano rin siyang concert sa 2027, kasabay ng pagtatapos ng kanyang debut album. At pagkatapos nito, naka-line-up na rin ang kanyang second album.
Sa ngayon, naka-focus muna ang Radiance Icon sa kanyang music at recording.
Big congratulations, Debbie!
‘Yun lang, and I thank you.





Comments