top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Sampal kay Kris… HERBERT, MAINIT NA SINALUBONG NG MGA TAGA-TARLAC

BULGAR
Apr 8, 2022
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | April 8, 2022




Hindi kami naniniwala na nakaapekto sa kandidatura at ranking sa survey ni Herbert Bautista ang sinabi ni Kris Aquino sa rally ni VP Leni Robredo sa Tarlac na 'wag iboto ang isang taong hindi marunong tumupad sa kanyang pangako.


Hindi madidiktahan ng kahit sino ang mga botante ngayon. At hindi naman lahat ng taga-Tarlac ay pabor kay Kris Aquino at sa kanyang pamilya.


Matatalino na ang mga botante ngayon. Katunayan, nang dumayo sa Tarlac ang BBM-Sara UniTeam para mangampanya ay mainit silang tinanggap at sinalubong ng mga Tarlacqueños.


Kitang-kita ito sa mga larawang kuha sa ginawang motorcade ng BBM-Sara UniTeam. Kasama si Herbert Bautista sa line-up ng mga senatoriables ng UniTeam. Mismong si Inday Sara ang nag-endorse kay Bistek.


'Yun lang ay malaking factor na para kay Herbert Bautista dahil malawak ang sakop ng mga botante ni Sara Duterte.


Samantala, ngayon nagagamit ni Herbert ang kanyang talent sa pagho-host. Matagal siyang naging co-host noon ni Sharon Cuneta sa kanyang musical show na The Sharon Cuneta Show. Sa mga rallies ng BBM- Sara UniTeam ay nagho-host si Bistek. Madalas, may kasama pang comedy.


At dahil artista, minsan ay may nagre-request na kumanta rin si Bistek kaya malakas ang karisma niya sa mga tao.


Kaya naman, tatlong terms ding naupo bilang mayor ng Quezon City si Herbert Bautista. At panahon na rin upang mag-level-up ang kanyang political career. Deserve na niya ang puwesto sa Senado.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page