top of page
BINI Gwen.jpg

Samar, nagpasaklolo na sa DOH dahil sa siksikang mga ospital

Writer: BULGAR
BULGAR
17 hours ago
1 min read

ni Mylene Alfonso @News | October 28, 2026



Calbayog District Hospital

Photo: File / Calbayog District Hospital



Pormal na humingi ng agarang tulong si Samar Governor Sharee Ann Tan kay Department of Health (DOH) Secretary Dr. Edwin Mercado upang mapalawak ang Calbayog District Hospital at Samar Provincial Hospital dahil sa matinding pagsisikip ng mga pasyente.


Sa liham noong Oktubre 26, hiniling ni Tan ang karagdagang mga kama, kagamitang medikal, doktor, nars at pagpapahusay ng mga pasilidad.


Batay sa ulat noong Oktubre 19, umabot sa 181 ang mga pasyente sa Calbayog District Hospital kahit 75 kama lamang ang kapasidad nito. 


Sa Samar Provincial Hospital naman, umaabot sa 200 hanggang 250 pasyente ang inaalagaan sa kabila ng kapasidad nitong 100 kama.


Kabilang sa mga planong pagpapahusay ang pag-upgrade ng Samar Provincial Hospital sa Level 2, pagpapalawak ng laboratory services at pagtatatag ng intensive care unit (ICU).


Tiniyak ni Tan ang pakikipagtulungan ng pamahalaang panlalawigan sa DOH upang agarang matugunan ang pangangailangan ng mga ospital at matiyak ang maayos at ligtas na serbisyong medikal para sa mga residente ng Samar.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page