top of page
BIDA - DENNIS, NIRESBAKAN NG NETIZEN, ‘DI RAW MABUTING TAO DAHIL ENDORSER NG SUGAL_FB Denn

Tserman, dedbol sa treasure hunting

Writer: BULGAR
BULGAR
2 hours ago
1 min read

ni Mai Ancheta @News | October 30, 2026



Chairman na nagsagawa umano ng treasure hunting, patay - K5 Cauayan - Circulated

Photo: K5 Cauayan - Circulated



Kamatayan ang sinapit ng isang barangay chairman matapos maubusan umano ng hangin habang nasa loob ng isang tunnel o hukay sa Brgy. Dungan, Sta. Teresita, Cagayan.


Kinilala ang nasawing biktima na si  Fernando Tibuc, kapitan  ng Brgy. Villa ng nabanggit na bayan.


Nakaligtas naman ang dalawang kasamahan ng chairman na kinilalang sina Dionisio Tibuc, ama ng chairman, at isang alyas Pelaez na nagpapagaling sa ospital.


May hinala ang mga awtoridad na na-suffocate o kaya ay nalason ang mga biktima sa malalim na hukay kung saan sila umano ay nagsasagawa ng treasure hunting.


Sa tulong ng rescue teams mula sa Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, Maritime Battalion at iba pa ay naiahon ang mga biktima mula sa malalim na hukay.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page