top of page
Search
BULGAR

SAM, UMAMING SA KASALAN DIN ANG BAGSAK NILA NI RHIAN

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | November 17, 2023



Nakangiting sinagot ni Congressman Sam Verzosa na host ng Dear SV public service TV show ang lahat ng mga katanungan ng entertainment press tungkol sa girlfriend niyang si Rhian Ramos.


Nagkaroon ng solo mediacon si Cong. SV last Wednesday kaugnay nga ng kanyang Dear SV show na mapapanood na sa GMA-7 every Saturday, 11:30 PM starting this Nov. 18.


Isa nga sa mga nilinaw namin sa kanya ay ang tungkol sa espekulasyong engaged na sila ni Rhian.



“Ewan ko po, wala naman. Hindi ko alam kung saan nila nakuha 'yan,” natatawa niyang sabi.


Aminado naman siyang napag-uusapan na nila ang tungkol sa kasal and settling down, pero siyempre, mauuna muna ang proposal at ang bagay na ‘yan ay surprise raw.


“Of course, kailangang mapag-usapan din 'yan kasi saan ba papunta ‘yun, ‘di ba? Ba’t pa kayo nagsasama kung hindi naman siya ‘yung nakikita mong magiging ka-partner mo in the future?” he said.


Matatandaang nagkaroon din ng pagsubok sa kanilang relasyon kamakailan at ito nga ‘yung napabalitang nag-break na sila. Aminado naman si SV na marami silang natutunan pareho ni Rhian pagkatapos nito.


“Marami po kaming realizations, marami kaming natutunan. Nag-grow kami as a person.


Mas nakilala namin ‘yung isa’t isa, mas natuto kaming mag-communicate, mas natuto naming i-solve ‘yung mga problema na nu’ng bago pa lang, siyempre, growing pains ‘yan and nasa process pa rin kami,” aniya.


Pero sa kahit saang relasyon daw ay importante talaga ang effort at ganyan daw ang ginagawa nila.


“Binibigyan talaga ng effort ‘yan para ma-improve. So, ganu’n po ang mga nangyari sa amin kaya ngayon, we’re stronger than ever,” masaya niyang wika.


Happy din ang TV host-pulitiko na suportado ng GF ang kanyang Dear SV na ngayon nga ay mapapanood na sa GMA-7 every Saturday, 11:30 PM starting this Nov. 18.


“One time, wala sa plano, kaming dalawa ang nagbigay ng regalo sa taong karapat-dapat.


Bigla siyang lumabas sa isang episode at siya mismo ang nag-abot ng regalo. Sa Davao nangyari 'yun,” pagmamalaki ni Sam kay Rhian.


Isa nga raw sa mga minahal niya sa nobya ay ang pagkakaroon nito ng mabuting puso.


Samantala, hindi napigilang maging emosyonal ni Cong. SV habang ikinukuwento ang mga hirap na dinanas din ng kanyang team sa iba’t ibang lugar para makapaghatid ng tulong.


“Napakahirap pong gawin ang mga pinupuntahan namin, ang team ko po, napakagaling gumawa ng script, ng pagpili ng mga tinutulungan, ng pagsama roon.


“Ang layo ng mga tinutulungan namin, pinupuntahan namin.


“Nagkakasakit na po sila. Iyong huling pinuntahan namin sa Davao, (at tuluyan nang tumulo ang luha ng kongresista), halos naospital na po ang isa naming kasama dahil sobrang pagod.


“So, hindi ito programa lang, talagang ano ito, advocacy po namin ito at sobrang proud namin dito.


“Sana po, magbigay-inspirasyon, pag-asa at saya sa lahat, maraming-maraming salamat,” pahayag ni Sam.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page