top of page
Anjo Yllana at TVJ - FB.jpg

Salvino pasok sa swimming team na sasabak sa ASIAD

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 day ago
  • 2 min read

by MC @Sports News | June 30, 2026



Dagdag lakas para sa Pinay tankers ang pagkakabilang ni Filipino-American swimmer Teia Isabelle Salvino (gitna) sa paglarga sa international competition, kasama sa larawan ang kanyang coach at si Philippine Aquatics Inc. Sec-Gen Eric Buhain.

Photo: Dagdag lakas para sa Pinay tankers ang pagkakabilang ni Filipino-American swimmer Teia Isabelle Salvino (gitna) sa paglarga sa international competition, kasama sa larawan ang kanyang coach at si Philippine Aquatics Inc. Sec-Gen Eric Buhain. (FBpix) 



Nadagdagan ng tibay ang kampanya ng Pilipinas para sa 2026 Asian Games matapos opisyal na makapasok sa pambansang koponan si Filipino-American swimmer Teia Isabelle Salvino nang malampasan ang qualifying standard sa women's 100-meter backstroke sa katatapos na Philippine Aquatics, Inc. (PAI) National Tryouts sa Rizal Memorial Sports Complex sa Maynila. 


Nagtala ang 20-anyos na student athlete ng University of Alabama ng oras na 1:02.34 upang dominahin ang paboritong event at malampasan ang itinakdang qualifying standard na 1:02.60. Tinalo niya sina Palarong Pambansa standout Quendy Fernandez (1:03.72) at SEA Games veteran Chloe Isleta (1:04.48). Malaking dagdag-lakas si Salvino sa national team na sasabak sa Asiad sa Set. 19-Okt. 4 sa Aichi-Nagoya, Japan. 


Bukod sa panalo sa 100m backstroke, naghari rin si Salvino sa 50m backstroke (29.35 segundo), 100m freestyle (57.34) at 100m butterfly (1:07.71). Muntik maabot ang qualifying standard sa butterfly event, na kinapos lang ng segundo. 


Ayon kay Philippine Aquatics Secretary General Eric Buhain, malaking tulong ang pagpasok ni Salvino sa national team. "Napakalaking dagdag si Teia sa Asian Games team. Ang kanyang exposure sa mataas na antas ng kompetisyon, lalo na sa US collegiate circuit, ay magiging mahalaga sa ating paghaharap sa pinakamahuhusay na manlalangoy sa Asya," ani Buhain. 


Idinagdag pa ni Buhain na optimistiko ang Philippine Aquatics sa lalim ng talento ng mga Pilipinong manlalangoy na bubuo sa pambansang koponan. Makakasama ni Salvino sa national team sina Sanchez, isang Filipino-Canadian Olympian; Chua, Isleta at White, na pawang naghatid ng mga gold medals sa 2025 SEA Games. 


Namukod-tangi rin sina Chloe Isleta sa 200m freestyle (2:04.59) at 200m backstroke (2:19.11), Xiandi Chua na namayani sa 50m freestyle (26.49) at 400m freestyle (4:31.95).

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page