top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Salpukan ng mga momshies… RUFFA, MARIEL AT CIARA, PANTAPAT KINA JOLINA, MELAI AT REGINE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 26, 2022
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | October 26, 2022



Daily ding mapapanood ang woman's show nina Ruffa Gutierrez, Mariel Padilla at Ciara Sotto sa AMBS o AllTV Network. Wala pa lang detalye kung anong oras ito ieere pero marami na ang nagsasabing tiyak na itatapat ito sa programang Magandang Buhay hosted by Jolina Magdangal, Melai Cantiveros at Regine Velasquez.


Magsasalpukan ang dalawang shows at bahala na ang mga viewers na mamili kung ano ang kanilang panonoorin.


Ilang taon na sa ere ang Magandang Buhay na ang original hosts ay sina Karla Estrada, Jolina at Melai. Bago nag-eleksiyon noong Mayo, 2022 ay nag-leave si Karla sa show dahil sumuporta siya sa isang partylist.


Nang matapos ang eleksiyon ay hindi na siya nakabalik sa Magandang Buhay kaya ipinalit sa kanya ang Asia's Songbird na si Regine Velasquez na tinanggap naman ng mga viewers.


Malawak na ang viewership ng Magandang Buhay dahil ilang taon na itong napapanood. Pero tiyak na may bagong maio-offer ang show nina Ruffa, Mariel at Ciara para sa mga viewers.


Malaking challenge para sa kanila ang anumang show na makakatapat nila. Kailangan lang na may malaki silang istorya at guest celebrities upang makuha ang pansin ng mga manonood.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page