Salamat sa laban Alex! Bencic thankful sa fans

by Gerard Arce @Sports News | August 10, 2026

Photo: Bencic at Eala - WTA
Bawat bida sa isang istorya ay palaging may nakukuhang katapat – at tulad ni Filipina tennis star Alexandra “Alex” Eala – nakatagpo ito ng pipigil sa kanyang seven-game winning streak sa katauhan ni 2020 Tokyo Olympics gold medalist Belinda Bencic ng Switzerland kasunod ng kanilang round-of-16 match na nagtapos sa 4-6, 0-6 na engkuwentro kahapon (oras sa Pilipinas) sa WTA 1000 National Bank Open sa Sobeys Stadium sa Toronto, Canada.
Sapol ng mapagwagian ang korona sa WTA 500 Mubadala Citi DC Open noong isang linggo, nakapagtala ng pinakamahabang winning run ang 21-anyos na lefty sa kanyang karera, kabilang ang second at third round panalo kontra American players na sina Alycia Parks at Caty McNally, na kapwa nagtapos sa deciding sets, dahilan upang tumuntong sa pinakamataas na ranggo sa World No.20
“Tough one today. I think, Belinda put me in some really tough situations. I think she played really well. I wasn't able to kind of get myself out, and you know, out of a certain mood. So, overall, really good week. I am super happy with the run that I've had and [I'm] going to try to recover and come back out hot,” paliwanag ni Eala sa post-game conference ng laban kay Bencic.
Sa unang paghaharap ng dalawa sa WTA Tour Driven by Mercedes-Benz, nakuha ni Bencic ang kontrol sa ikasiyam na game ng unang set; matagumpay niyang na-break ang serve ng kalaban at napanatili ang sariling serve upang tapusin ang set sa iskor na 6-4. Pagkatapos ay tinalo niya nang tuluyan si Eala sa ikalawang set nang hindi hinahayaang makakuha ng kahit isang game si Eala. Kaya’t nakamit niya ang tagumpay sa loob lamang ng 1 oras at 13 minuto.
Mayroong 10-0 ang 29-anyos na Swiss star sapol noong 2024 sa mga lefty players na naging malaking tulong umano ang nakuhang panalo sa loob ng tatlong oras at 24 minuto sa pahirapang laro laban sa American na si Taylor Townsend (6-7 (5), 7-6 (4), 6-4) sa third round.
“I’m surprised by these statistics; obviously very tricky. Maybe it helped me a little bit; I played a lefty the round before against Taylor Townsend, so that was the tough one, so I can be used to serving a little bit. But yeah, I wish I was a lefty too,” eksplika ni Bencic sa panalo kay Eala.
Nagpasalamat si Belinda Bencic ng Switzerland sa nag-iingay na madla, at kinilala ang malakas na suporta kay Alex Eala. Mula Maynila hanggang Toronto, hindi maikakaila ang presensiya ng mga Pilipino—mga tinig na itinataas, mga watawat na iwinagayway, at umaapaw na pagmamalaki. Nakatakdang dumaan sa pansamantalang pamamahinga ang two-time Pinay WTA 125 titlist bago tumulak sa Cincinnati Open na magsisimula ang first round matches sa Agosto 13 (oras sa US) hanggang Agosto 23, habang sunod itong tutulak sa huling Grand Slam tourney na US Open, simula Agosto 23 hanggang Setyembre 13 sa USTA Billie Jean King National Tennis Center sa Queens, New York, sa Estados Unidos.
“I definitely will take two days off, a day or two. I do have to travel to Cincinnati. I need to get a haircut; I haven’t gotten a haircut for a while, [and] my nails are grown out. So, yeah, I’ll do a couple of things just to get my mind out of tennis. Maybe reunite with some friends in Cincinnati and just try to have fun. I’ll be back on court just like that, so I mean you gonna enjoy what I have. I’m gonna enjoy the time that I have while out of the court.”
Handa ring muling katawanin ang bansa at higitan ng double bronze medal sa 2022 Hangzhou Asian Games sa darating na 20th Aichi-Nagoya Asian meet simula Setyembre 19 hanggang Oktubre 4, habang maaaring tumulak rin ito sa WTA 500 Singapore Open, simula Setyembre 21 hanggang 27 sa OCBC Arena sa The Kailang, Singapore.





Comments