Sakitin daw… HIRIT NG NETIZENS: CLAUDINE, MABUTING 'DI NANALONG KONSEHAL
ni Nitz Miralles - @Bida | May 27, 2022

Sabay na naospital sa St. Luke’s Global ang mag-inang Inday Barretto at Claudine Barretto. Hindi binanggit ni JJ Barretto kung ano ang sakit ng mom niya at kapatid, pero sa post nito, binisita pa ni Inday si Claudine sa kuwarto nito.
May nag-comment na madalas magkasakit si Claudine, kaya blessing in disguise raw na hindi siya nanalo sa pagtakbong konsehal sa Olongapo City. Stressful daw at matrabaho ang maging public servant, malayo rin daw ang Olongapo at malalayo siya sa kanyang mga anak.
Ang payo nila kay Claudine, magbawas ng timbang at bumalik sa showbiz dahil sayang ang husay niyang aktres.





Comments