top of page
WINNER - MALE FAN, NAG-PROPOSE KAY ALEX EALA SA HARAPAN NG PADIR_FB Alex Eala.jpeg

Sakay din sa tumaob na bangka... Edad 3 at 11, natagpuang patay

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 3 hours ago
  • 1 min read

by Jeff Tumbado @News | August 30, 2026



Ang pag-recover ng katawan sa dalawang nawawala sa tumaob na banca sa Mapanuepe Lake in San Marcelino, Zambales. - PCG

Photo: Ang pag-recover ng katawan sa dalawang nawawala sa tumaob na banca sa Mapanuepe Lake in San Marcelino, Zambales. - PCG



Kapwa wala nang buhay ang dalawang batang katutubong Aeta na nawala matapos tumaob ang sinasakyang motorized banca sa Mapanuepe Lake sa San Marcelino, Zambales nitong Huwebes.


Ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, unang narekober ng ilang residente ang labi ng 3-anyos na si Chandnea Serrano dela Cruz, alas-10:10 ng umaga, at ang 8-taong-gulang na si Anqelito Serrano Liwanag, na nakuha bandang alas-11 ng umaga ng rescue team.


Ayon kay Police Maj. Exodus Rodriguez, patungo siya sa Brgy. Buhawen at habang naglalakbay sa lawa, nakita niya ang katawan ni Chandnea.


Hindi nagtagal, nakita rin ang katawan ni Anqelito, malapit sa lugar at agad itong narekober.


Ipinagpapatuloy ng mga awtoridad ang search operation para sa isang 26-anyos na buntis.


Matatandaang Agosto 27, sakay ang 13 Aeta ng isang motor banca nang tumaob ito malapit sa Sunken Church sa Brgy. Buhawen habang pabalik sila sa kanilang komunidad sa Sitio Lumibao.


Sa pagkakarekober sa dalawang bata, umabot na sa walo ang nasawi sa insidente, kabilang ang limang bata, habang apat na pasahero ang nakaligtas.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page