top of page
Pokwang.jpg

Sotto, Trillanes, Quimbo, ikinanta sa 'maleta delivery'

Writer: BULGAR
BULGAR
3 days ago
1 min read

by Jeff Tumbado @News | October 16, 2026



TIto Sotto, Antonio Trillanes at dating Marikina Rep. Stella Luz Quimbo - FB - House of Representatives - Circulated

Photo: Tito Sotto, Antonio Trillanes at dating Marikina Rep. Stella Luz Quimbo - FB - House of Representatives - Circulated



Iniugnay sina Senador Tito Sotto, dating Marikina Rep. Stella Luz Quimbo at dating Senador Antonio Trillanes IV sa mga personalidad na kasama umano sa mga hinatiran ng male-maletang pera na kickback mula sa flood control anomalies.


Ito ang naging testimonya ng isang witness na si Rodante Orbillo sa pagdinig ng Sandiganbayan Third Division nitong Huwebes kaugnay sa petisyon sa piyansa ni dating House Speaker Martin Romualdez kaugnay ng P7.44 bilyong kickback mula sa mga proyekto ng imprastraktura ng pamahalaan.


Itinanggi naman ni Sotto ang paratang na aniya'y lumang kwento na, ganundin si Trillanes habang hinihintay pa ang reaksyon ni Quimbo.


Si Orbillo ay dating bodyguard ni dating Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co at kabilang sa grupong tinatawag na “Maleta boys.”


Tinanong ni Associate Justice Ronald Moreno si Orbillo kung may iba pa siyang pinaghatiran ng mga maleta bukod kay Romualdez.


Noong una, tumanggi si Orbillo na pangalanan ang mga indibidwal, at sinabing nahaharap na siya sa mga kasong isinampa sa korte.


Gayunman, ipinaliwanag ni Moreno na layunin ng tanong na subukin ang kredibilidad ng saksi. Idinagdag niya na may iba pang mga testigo sa mga kasong may kaugnayan sa flood control projects na nagbanggit ng ilang personalidad habang tumitestigo sa Third Division.


Dito na pinangalanan ni Orbillo sina Sotto, Quimbo at Trillanes.

Ayon kay Orbillo, minsan siyang naghatid ng maleta kina Sotto at Trillanes. Hindi naman niya tinukoy kung ilang beses siyang naghatid ng maleta kay Quimbo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page