Sagot sa beauty contest, binabakya raw… RR KAY HIPON GIRL: WALA KA SA COMEDY BAR!
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | June 24, 2023

Nakisawsaw ang dating Wowowee co-host na si RR Enriquez sa latest issue na pinagdaraanan ni Herlene Budol ngayon kaugnay ng naging sagot nito sa Q&A Miss Grand-Philippines 2023.
Sey ni RR, nakikita raw niya kasi ang sarili kay Herlene, lalo pa nga’t pareho silang produkto ng Wowowee. Pareho raw silang jologs at squammy kaya nakaka-relate siya rito.
“We want to make people happy by making fun of ourselves on national TV or letting other people make fun of us… That’s why we were called sexy comediennes!
“And there’s nothing wrong with that, for as long as wala kang inaapakan na tao. Basta makapagpasaya ng tao… ‘Go, go, go!’ sabi nga ni Rufa Mae Quinto,” bahagi ng mahabang post ni RR sa kanyang Instagram.
Pero puwede naman daw nating i-improve ang ating mga sarili tulad ng ginawa niya ngayon dahil nag-enroll pa siya sa English tutorial class para matutong mag-Ingles, gayundin sa personality development class at marami raw siyang natutunan.
Ganito rin ang payo niya kay Herlene. Dapat daw ay matutunan nito ang magpaka-beauty queen.
“I think she need(s) to learn how to tame herself as a beauty queen also… Especially if na-invite siya sa mga guestings ng beauty pageants…
“Women in pageant industry look up to her… Hindi niya dapat binabakya ang mga sagot niya sa ganyang mga events. Wala siya sa comedy bar,” puna ni RR.
“We can’t use the word na ‘nagpapakatotoo lang ako’ all the time…. Puwede ka namang magpakatotoo, pero not to the extent na babakyain mo ang pageant. There is a right timing for that.
“Puwede mong gawin ‘yan sa backstage. Magpatawa ka para matuwa pa rin sa ‘yo ang mga tao at sabihin na, ‘Wow, ang down-to-earth pa rin niya, she’s funny pa rin talaga even though she is now a beauty queen….’” patuloy pa niya.
Bilang pagtatapos, aniya, “I’m sure Herlene Budol has a teachable heart. And she wants to improve or learn more. That’s it for now, my co-squammy!!! You are still loved by many. Bye, na-explain ko na. Labyu.”
Well, may point naman siya.





Comments