Sagot ng PhilHealth ang Outpatient Cancer Screening sa YAKAP Program!
- BULGAR

- 6 hours ago
- 2 min read
by Info @Brand Zone | June 5, 2026

Alagang PhilHealth
Kung galing sa pribadong doktor ang request, covered pa rin ang unang test. Ngunit tutulungan ka ng PhilHealth na mag-palista sa YAKAP Clinic para sa iyong mga susunod na check-up.
1. Ano-ano ang mga Outpatient Cancer Screening Test na sakop ng PhilHealth? Breast Cancer:
• Mammogram: Php 2,610
• Breast ultrasound: Php 1,350
Lung Cancer:
• Low dose chest computed tomography (CT) scan: Php 7,220
Liver Cancer:
• Alpha Fetoprotein:Php 1,230
• Liver Ultrasound: Php 960
Colon Cancer:
• Colonoscopy: Php 23,640
2. Sino at gaano kadalas maaaring mag-avail? Mammogram and/or Breast ultrasound: Edad 50–69; lahat ay maaaring magpascreening/ Taun-taon: Edad 40–49; kung may mataas na panganib; isang beses tuwing dalawang taon; may kamaganak na nagkaroon ng breast cancer; o may dating history ng breast cancer.
Low-Dose Chest CT Scan (para sa baga): Edad 50 pataas; para sa mga naninigarilyo o dating naninigarilyo o may kamaganak na nagkaroon ng lung cancer; Isang beses kada taon.
Colonoscopy: Edad 50 pataas; may kamaganak na may sakit na cancer; may kondisyon sa bituka (hal. inflammatory bowel disease).
Alpha Fetoprotein test and Liver Ultrasound: May impeksyon sa Hepatitis B o C; labis at matagal na paginom ng alak; may cirrhosis (malubhang sakit sa atay) may diabetes; may fatty liver na hindi dulot ng alak; o may namamanang sakit sa metabolism; Isang beses kada 6 na buwan.
3. Saan maaaring mag-avail?
Maaari itong ma-avail saan mang PhilHealth accredited cancer screening test providers. Sa kasalukuyan ay mayroon ng 333 PhilHealth accredited cancer screening test providers sa buong bansa. Kailngan lang ang rekomendasyon ng inyong YAKAP doctors.
Para sa kumpletong listahan bisitahin PhilHealth website sa www.philhealth.gov.ph.
4. Paano mag-avail?
1. Pumili ng YAKAP Clinic.
2. Magpa-schedule ng First Patient Encounter at pumirma ng Yakap Empanelment Slip sa napiling YAKAP Clinic.
3. Magpa-konsulta sa YAKAP Doctor. Ang YAKAP Doctor ang magrerekomenda kung anong screening test ang kailangan base sa nararamdaman o risk factors. Sila ay magbibigay ng Screening Test Request Form na kailangang dalhin sa PhilHealth-accredited cancer screening test provider.
4. Pumunta sa accredited cancer screening test provider. Ang pasilidad ay magbibigay ng kopya ng resulta (digital o printed) sa PhilHealth at sa YAKAP Doctor na nagrefer sa pasyente. Ipaliliwanag niya ang resulta at magsasabi kung kailan ang susunod na test o follow-up na konsultasyon. Tandaan na ang mga susunod na request ay dapat manggaling sa kanila.
5. Kung positibo ang resulta ng screening, ire-refer ang miyembro ng YAKAP Doctor sa isang mas malaking ospital na accredited ng PhilHealth para sa mas detalyadong pagsusuri at gamutan.
6. Ilalagay ng YAKAP Doctor ang resulta ng test sa electronic medical record upang masiguro na kumpleto ang medical history ng miyembro.
PAALALA
PAALALA
Tumawag sa aming 24/7 PhilHealth hotline, 8662-2588.
para sa ibang katanungan.
Kung gusto ninyo kami ang tumawag sa inyo, I-text ang
PHICallback <space>
Mobile no. na tatawagan <space> detalye ng concern sa
0998-8572957, 0968-8654670, 0917-1275987, at 0917-1109812.
Pwede ring tumawag mula sa
aming website. Mag-log-in sa
at pindutin ang 'CLICK TO CALL'






Comments