top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Sad daw para sa kaibigan… HIRIT NI KZ: MOIRA, TANTANAN SA HIWALAYAN KAY JASON

BULGAR
Jun 14, 2022
3 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | June 14, 2022


Dumagundong ang buong Activity Center ng Glorietta Mall nitong Linggo nang gabi nang tawagin ang pangalan ng nag-iisang Asia’s Soul Supreme na si KZ Tandingan with her blue hair na mas lalong nagpatingkad sa suot niyang fuchsia suit.


Ibang klase naman talagang humataw sa entablado si KZ kaya halos lahat ng mga baguhan sa music industry ay isa siya sa mga iniidolo.


Samantala, isa si KZ sa mga vocal mentors and judges ng Top Class: The Rise to P-Pop Stardom na mapapanood sa TV5 sa June 18, Sabado, 5 PM at daily livestream sa Kumu produced ng Cignal Entertainment, TV5, Cornerstone Entertainment at Kumu. Kabilang din sa mga judges sina Shanti Dope (rap mentor) at Brian Puspos (dance mentor).


Pagkatapos ng grand launch ng Top Class 30 contenders ay hiningan ng reaksiyon si KZ ng media/vloggers sa hiwalayang Moira dela Torre at Jason Marvin Hernandez since magkakaibigan silang apat kasama ang asawa ng una na si TJ Monterde at iba pang talents ng Cornerstone Entertainment.


Inamin ng mang-aawit na nagulat siya, sobrang nanghihinayang at nalungkot sa sinapit ng pagsasama nina Jason at Moira.


“Siyempre po, sad kami, kasi both naman sila, mga kaibigan namin, but ‘yun lang po. Huwag na po siguro natin silang pag-usapan kasi siyempre, ano naman po nila 'yun, eh, kumbaga, when we keep on talking about it, that doesn’t help them heal.


"But yes po, nalungkot kaming lahat sa nangyari. But let’s just give them time para makapag-isip at maka-cope 'yung friend ko sa mga nangyari,” pakiusap ng premyadong singer-songwriter.


Sa tanong kung nagkausap na sila nina Moira at Jason, “Actually po, hindi ko siya kinukulit about it, eh. I just always tell her na nandito lang ako. Kukumustahin ko siya, ganyan-ganyan.

“For sure, lahat ng tao, tinatanong siya about it. So, I don’t think it would help her na ‘yung mga taong nasa paligid niya ay kutkot nang kutkot ng sugat na gusto na niyang mag-heal, 'di ba?


“Kung ikaw, may pinagdaraanan ka, gusto mo na lang mawala muna, kasi, 'di ba, hindi ka na nga makapag-concentrate ru’n sa personal matters, du’n sa nangyari, marami pang mga ibang tao na nakikisawsaw at nakikialam. So 'yun po,” paliwanag ni KZ.


At muling nakiusap ang kaibigan nina Jason at Moira na huwag nang pag-usapan ang ex-couple.


Napuri ang magandang performance ni KZ sa grand media launch ng Top Class: The Rise to P-Pop Stardom at excited siya bilang isa sa mga mentors dahil para sa kanya ay giving back ito sa mga hopeful trainees dahil noong sumali siya sa reality show na X Factor Philippines Season 1 nu'ng 2012 ay maraming tumulong at nag-mentor sa kanya tulad ni Charice Pempengco na ngayon ay si Jake Zyrus na.


Isa-isa namang ipinakilala ang 30 napiling “estudyante” na ngayon pa lang ay may kani-kanya nang hukbo ng mga supporters base sa dami ng nanood sa nasabing event.


Dumating din sa event ang magiging host ng nasabing reality show produced by Cornerstone Entertainment at dalawang co-hosts na sina Albie Casiño at Yukii Takahashi na may kani-kanya ring production number na inihanda para sa audience.


Isa rin sa mga guests ang P-pop group ng Cornerstone na VXON at G22.


Narito ang kumpletong listahan ng 30 Top Class contenders:


1. Dean Villareal (Bulacan) 2. EL Mendoza (Batangas) 3. Lx Reyes (Bulacan) 4. Justine Castillon (Cavite) 5. Kim Huat Ng (Bacolod) 6. Harvey Castro (Bataan) 7. Joshuel Fajardo (Kuwait) 8. Gilly Guzman (Quezon City) 9. Kenzo Bautista (Bulacan) 10. Seb Herrera (Laguna) 11. Denver Dalman (Cebu) 12. Francis Lim (Caloocan) 13. Trick Santos (Caloocan) 14. Jascel Valencia (Manila) 15. Tanner Jude (Quezon City) 16. Jon Laureles (Spain) 17. Clyde Garcia (Ilocos) 18. Matt Cruz (Bicol) 19. Timothy Tiu (Quezon City) 20. Brian Zamora (Makati City) 21. Jeff Cabrera (Cebu) 22. Roj Concepcion (Bulacan) 23. Jai Gonzales (Mandaluyong) 24. Chase Peralta (Katipunan) 25. Dave Bono (Tondo) 26. Ash Rivera (Baguio) 27. JC Dacillo (Bulacan) 28. RZ Condor (Cebu)

29. Niko Badayos (Bacolod)

30. Gab Salvador (Batangas)


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page