Sacrificial lamb daw, para ‘di madamay si Sen. Robin sa tsongke… NADIA, MAY PASABOG SA TAMANG PANAHON
- BULGAR
- 4 days ago
- 2 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | August 21, 2025

Photo: Nadia Montenegro - IG
Masamang-masama ang loob ni Nadia Montenegro dahil hindi pa nga naiimbestigahan ang iniisyung diumano’y paggamit niya ng marijuana sa loob ng CR sa Senado ay lumabas na agad sa media ang mapanirang akusasyon sa kanya. Kaya nagdesisyon na siyang mag-resign sa kanyang puwesto upang huwag nang madamay si Sen. Robin Padilla.
Ganunpaman, marami ang nagsasabing ginawa na lang siyang “sacrificial lamb” kahit hindi pa napapatunayan ang ibinibintang. Pero kahit na nag-resign na siya bilang staff ni Sen. Padilla, hindi siya papayag na hindi linisin ang kanyang pangalan. Hindi nangangahulugang dahil nag-resign siya ay guilty na.
Magsasalita raw si Nadia sa tamang panahon at may pasabog siyang ibubunyag.
Well, knowing Nadia Montenegro, alam ng lahat na palaban siya at hindi basta-basta pumapayag na apihin ng kahit sino. Tiyak na reresbak siya.
‘Di nagmamadaling magka-baby…
EA AT SHAIRA, 2 LANG ANG GUSTONG MAGING ANAK
KAHIT 12 years silang naghintay bago nagpakasal, hindi raw nagmamadali ang newlyweds na sina Shaira Diaz at Edgar Allan “EA” Guzman na magkaroon agad ng baby.
Nag-e-enjoy muna sila sa kanilang buhay bilang mag-asawa. Susulitin nila ang bawat araw na magkasama.
Nakatakda silang magbakasyon abroad para sa honeymoon.
May ilang mga netizens na nagsasabing baka sa South Korea sila magpunta dahil sobrang hilig ni Shaira sa K-pop stars. In fact, ang wedding gown ni Shaira ay gawa ng isang sikat na Korean designer. Napakamahal daw ng gown pero worth it naman dahil marami ang humanga at lalong lumutang ang ganda ni Shaira sa suot niyang Korean-inspired wedding gown.
Sa guesting nila sa programang Unang Hirit (UH), nabanggit nina Shaira at EA na dalawa lang ang gusto nilang maging anak. Tulad ni Shaira na dalawa lang silang magkapatid, iyon din ang ideal para sa kanila.
MARAMING fans ni Shuvee Etrata ang nakikiusap sa pamunuan ng GMA-7 na sana ay dagdagan at habaan ang mga eksena niya sa action-fantaseryeng Sang’gre: The Encantadia Chronicles (STEC). Bitin daw ang mga viewers at gusto nilang mapanood ang mahaba-habang fight scenes ni Shuvee laban sa mga kalaban.
Hindi naman natatabunan si Shuvee ng mga sikat na artista na kasama niya sa serye. Sa kasikatan niya ngayon, puwede na talagang dagdagan ang kanyang exposure.
Napatunayan na kahit saan ilagay si Shuvee—drama, comedy, o hosting ay kayang-kaya niya. May timing siya sa comedy, sanay mag-adlib, at mabilis ang pick-up.
Malaking bahagi rin ng kanyang kasikatan ang exposure niya sa Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition.
NAGBABALAK magdemanda ang producer at direktor ng pelikulang Wild Boys (WB) na si Carlos Morales laban sa magkapatid na Aljur at Vin Abrenica na bida sa naturang pelikula.
Ang dahilan ay breach of contract dahil sa pagtanggi ng dalawa na mag-promote ng WB, kahit nasa kontrata nila na tutulong sila sa promo.
Tiyak na makakaapekto ito sa career nina Aljur at Vin Abrenica kapag kumalat sa ibang movie producers ang ginawa nila. Napaka-unprofessional daw ng kanilang attitude at siguradong magdadalawang-isip ang ibang movie outfits na kunin silang muli.
Sa panahon ngayon, dapat maging considerate ang mga artista sa mga bagong producers na namumuhunan nang malaki para makapag-produce ng pelikula. Kung fully-paid naman sila, wala silang dahilan para hindi tumulong sa promotion ng Wild Boys.
Comments