Sabunot, wala na raw sa script… PANANAKIT NI VICE KAY ANNE SA IT'S SHOWTIME, PINALAGAN NG FANS
- BULGAR

- May 23, 2024
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | May 23, 2024

Umalma at nag-react ang mga fans ni Anne Curtis sa mga ginagawa raw ni Vice Ganda sa kanilang idolo sa programang It’s Showtime. Kahit kasama sa skits ng show ang mga biruan, asaran, kantiyawan at pranks, minsan daw ay nagiging pisikalan na ang nangyayari.
Minsan ay napanood nilang sinasabunutan ni Vice si Anne at feeling nila ay wala na ‘yun sa script at hindi na nakakatuwang panoorin.
Okay lang naman sa mga fans ni Anne ang siya ay laitin, barahin at pagtawanan ‘pag kumakanta nang wala sa tono at minsan ay nabubulol pa sa kanyang mga spiels.
Sport naman si Anne at idinadaan sa tawa ang lahat, pero para sa mga fans na nanonood ng It’s Showtime, wala na sa lugar kapag nauuwi sa pisikalan ang lahat.
Big star si Anne Curtis at asset sa show, kaya dapat na bigyan ng kaukulang respeto lalo na’t napapanood ito ng libu-libong viewers.




Comments