Sablay sa Q&A sa Miss Grand Phils… HERLENE: KALMA LANG, NAGSISIMULA PA LANG ANG LABAN!
ni Nitz Miralles @Bida | June 25, 2023

Siguradong mas madaragdagan ang mga viewers sa grand coronation night ng Miss Grand Philippines 2023 dahil sa isyu kay Herlene Budol.
Sa mga comments sa kanyang Instagram, marami pa rin ang disappointed kay Herlene sa Q&A interview. So, paano nga kaya pinaghahandaan ni Herlene ang Q&A sa grand coronation night?
May nagpayo nga kay Herlene na mag-model na lang o kaya, mag-artista dahil sa trailer daw ng Magandang Dilag, magaling siya at pinuri pa nga ng co-stars niya at ni Director Don Michael Perez.
May nag-comment pa na iwasan muna ni Herlene ang mag-post ng puro kaseksihan.
Ang i-post daw niya ay audio or video na nag-i-improve ang communication skills niya para matuwa ang mga supporters niya at higit sa lahat, para matuwa ang judge na magtatanong sa kanya ng question sa coronation night.
May post si Herlene na “Kalma lang po at nagsisimula pa lang po ang laban. Gagalingan naman po natin at magbabalik ang tunay na uniquely KaGRANDAhan with a mission!” Sagot niya siguro ito sa mga disappointed sa kanya.





Comments