Sablay ang pag-epal ni Lorenzana!

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | March 8, 2021
SABLAY ANG ‘PHOTO OPS’ NI LORENZANA—Kung totoo man ang sinabi ni Defense Sec. Delfin Lorenzana na “photo ops” lang ang kumalat na larawan niya sa social media na tinuturukan siya ng bakuna kontra COVID-19 ay sablay ang pa-epal niyang ‘yan.
Mahigpit ang tagubilin ng WHO-COVAX (World Health Organization-COVID-19 Vaccines Global Access) na health workers ang dapat maunang mabakunahan at ang anumang bansang lalabag ay hindi bibigyan ng donasyong bakuna mula sa western countries, boom!
◘◘◘
BAKA DAHIL SA PAG-EPAL NI LORENZANA AY “TABLAHIN” NG MGA PUTI SA DONASYONG BAKUNA ANG ‘PINAS—Sakaling magkaroon ng imbestigasyon ang WHO-COVAX sa nag-viral sa social media na “pagpapaturok” ni Lorenzana ng bakuna, dapat mapaniwala ni Lorenzana ang mga mag-iimbestiga na pa-epal lang niya ito.
Kung hindi niya mapaniwala ang WHO-COVAC na “photo ops” lang ang ginawa niya, baka ang pramis ng Amerika at Europe na magpapadala sila sa Pilipinas ng milyun-milyong donasyong Pfizer, Modena, Johnson and Johnson at AstraZeneca ay maunsiyami, at ang mga Pinoy ay magtiyaga na lang sa may bayad na bakunang made in China, period!
◘◘◘
KAPAG HINDI TUMAKBO SA PAGKA-PANGULO SI VP LENI, HUWAG PAKASIGURO SI P-DUTERTE NA WALANG KALABANANG KANYANG MANOK—Kung sakaling sa pagka-gobernador ng Camarines Sur kumandidato si VP Leni Robredo para banggain ang Pamilya Villafuerte at hindi siya kumana sa pagka-pangulo ay huwag pakasisiguro si P-Duterte na walang lalaban sa kanyang manok sa 2022 presidential election.
Nagpahayag na kasi si ex-Sen. Bongbong Marcos na tatakbo siya sa national position at noon pa man ay may ugong nang kakana sa pagka-pangulo si Sen. Manny Pacquiao, boom!
◘◘◘
SA IBANG LUGAR BAKA MANALO SI YORME PERO SA MAYNILA, BAKA PAGKATALO ANG ABUTIN NIYA SA ELEKSIYON—Kung tatakbo si Manila Mayor Isko Moreno sa national position sa bansa ay posibleng manalo ito sa ibang lugar sa Pilipinas dahil maraming humahanga sa kanya sa mga ipino-post niya sa social media, pero sa Maynila ay baka pagkatalo ang abutin nito.
Saksi ang mga Manilenyo na sa gitna ng pandemya ay “nganga” lang si Yorme sa panraraket nina bookies king “Boy Abang” at bookies queen “Lorna” sa mga taga Maynila, buwisit!





Comments