Sabit lang naman daw siya… ALDEN, FEEL NA FEEL NA NO. 1 ANG MOVIE NILA NI KATHRYN DAHIL SA KANYA
- BULGAR
- Jan 28, 2023
- 2 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | January 28, 2023

Binanatan si Paolo Contis ng pamba-bash ng mga netizens pagkatapos kumalat sa socmed ang video kung saan nagbigay ng kanyang opinyon ang Kapuso actor during his interview kay Alden Richards.
Pahayag ni Paolo sa video, “'Yung number one movie ng Star Cinema at ABS-CBN, taga-GMA ‘yung artista….'no?”
Ang tinutukoy na movie ni Paolo sa video ay ang Hello Love, Goodbye na mula sa direksiyon ni Cathy Garcia-Molina.
Super smile naman sa video si Alden upon hearing ‘yung mga sinabi ni Paolo.
“Sarap sa ears,” bulalas ni Alden.
Hindi pinalampas ng mga netizens, especially ng mga fans ni Kathryn pati na ni Direk Cathy, ang komento ni Paolo.
“Hahahaha! 'Di ba 'yung story about kay Joy? Si Joy ang bida ru'n, 'di ba?”
“If si Alden talaga ang nagdala nu'ng movie, sana, lahat ng movie niya, blockbuster."
“The fact na that Alden guy was just sitting there, tuwang-tuwa pa sa sinabi ni Paolo, p*ta, may pa-"sarap sa ears" pa na nalalaman, akala mo talaga, may nagawa sa success ng HLG, eh, binuhat lang din naman siya ni Kathryn, lol! Pls., your relevance during that time was all because of her. 'Di man lang nagpaka-humble na 'Uy, it's not just me...'”
Ang iba, in-acknowledge ang contribution ng ibang members of the cast, staff and crew, at ng direktor ng movie na si Direk Cathy.
“For me, lahat ng cast, staff and crew, pati director ang nagdala ng HLG. Tao lang talaga ang mga ma-issue.”
“Director po 'yung nagdala.”
Ang ibang netizens, tinawag pang cheater at manloloko si Paolo.
“Hi, Paolo Contis! 'Yung number one movie ng Star Cinema at ABS-CBN, si Kathryn Bernardo ang buong nagdala. 'Yan ang sarap sa ears. May naniniwala pa ba sa manloloko at cheater na si Paolo Contis?”
“'Di ko gets bakit kailangang patulan, eh, komedyante 'yung si Paolo Contis, lmao.”
“Palibhasa 'yang Paolo Contis, patapon na ang buhay.”
Nakunan namin ng pahayag ang direktor ng Hello Love, Goodbye na si Direk Cathy via FB Messenger.
Eto ang sabi ni Direk Cathy, “Tama po naman sila na kasama ako, Kath at DJ, kung bakit natuloy at naging successful ang movie.
“Pero hindi rin natin mababalewala ang naging participation ni Alden sa success ng HLG. Ibinigay din niya ang best niya like everyone.
“It’s a team effort. It’s a collaboration of all efforts & talents from all actors and production team (creative, post at promo)”
Samantala, kahapon ay napanood na ang first part ng interview ni King of Talk Boy Abunda kay Paolo sa program nito na Fast Talk sa GMA-7.
Maraming ini-reveal si Paolo for the first time na kay Kuya Boy lang niya inilahad.
Kabilang na d’yan ang tungkol sa relasyon nila ni Yen Santos.
Sa part two na mapapanood sa Lunes ay may iba pang rebelasyon ang ihahayag ni Paolo kay Kuya Boy. Tinanong ni Kuya Boy si Paolo tungkol sa relasyon at hiwalayan nila ni LJ Reyes kung saan may anak ang Kapuso actor, at kung nasusustentuhan ba niya ang anak kay LJ.
Lahat ng kasagutan ay mapapanood sa Fast Talk with Boy Abunda sa GMA-7 sa Lunes, 4 PM.
At habang tinitipa namin ang aming kolum ay may nakarating sa aming balita na dinala sa ospital ang butihing ina ni Paolo. Dalangin namin na bumuti ang kalagayan ng ina ng aktor.





Comments