Sabay-sabay tayong babangon at muling magsisimula
ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | December 29, 2021
Nakapanlulumo ang sinapit ng ilan natin mga kababayan sa Visayas, Mindanao at Palawan sanhi ng Bagyong Odette.
Marami ang wala pa ring kuryente, kulang ang pagkain at tubig at nawalan ng kabuhayan.
☻☻☻
Ngunit sabi nga nila, ang Kapaskuhan ay panahon ng pagbibigayan at pagmamahalan.
Habang ginugunita natin ang kapanganakan ni HesuKristo ay ‘wag sana nating kalimutan ang ating mga kababayang nasalanta ng iba’t ibang kalamidad at ng pandemya ngayong taon.
Nawa’y patuluyin natin sila sa ating mga puso at tahanan upang malampasan ang mga pagsubok at hamon na dumating.
Maging gabay sana ang ating pananalig sa Maykapal, lalo na sa mga panahong tulad nito, upang tayo ay makabangon at makapanimulang muli.
Gamitin sana natin ang pananalig sa Kanya at magtulungan upang maghatid ng tuwa at galak sa ating mga kababayan.
Nawa’y gabayan Niya tayo upang maging instrumento ng pag-unlad at pagbangon ng ating kapwa mula sa trahedya at kalungkutan.
Dala ng kapanganakan ni HesuKristo ang liwanag na may mas magandang bukas na darating, na puno ng pag-asa at kasayahan para sa ating lahat.
☻☻☻
Mula sa aming pamilya, bumabati tayo ng ligtas, mapayapa at may liwanag na Kapaskuhan sa ating lahat!
☻☻☻
Paalala lamang sa lahat na manatili sa loob ng bahay, ugaliing maghugas ng mga kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.
Malalagpasan din natin ito.
Be Safe. Be Well. Be Nice!
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay





Comments