Sabay-sabay… IVANA, MAY GERALD, SAM, JAMESON AT ISA PANG AKTOR
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | March 6, 2022

Talbog ang ibang Kapamilya female stars kay Ivana Alawi dahil sa bago niyang seryeng gagawin ay apat ang kanyang magiging love interest!
Nabanggit nga ang pangalan nina Gerald Anderson, Sam Milby, Jameson Blake, at isa pang aktor.
A Family Affair ang titulo ng seryeng pagbibidahan ni Ivana at tiyak na kaiinggitan siya ng mga artista ng Dos.
Dahil sa pagsikat ni Ivana Alawi bilang vlogger na may 15 M subscribers, nabibigyan na siya ng pansin at importansiya.
At kahit na sexy and daring ang image ni Ivana sa publiko, positive vibes ang hatid niya sa lahat. Isa siyang mapagmahal na anak at kapatid. Lahat ng kanyang pagsisikap ay para sa kanyang pamilya.
Nabigyan ni Ivana ng bahay at sasakyan ang kanyang mommy mula sa kanyang kinikita sa vlog sa YouTube at mga product endorsements.
Hindi rin cheap ang dating ni Ivana sa publiko kahit sexy star ang kanyang image. Mas natatandaan ng lahat ang kanyang pagtulong at pagbibigay ng ayuda noong panahon ng COVID pandemic.





Comments