top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Saan hahantong ang kontrobersiyal na insidente nang mag-blowout si Speaker Velasco? Abangan!

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 19, 2020
2 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | November 19, 2020



Ipinakita sa social media ang porma ng panunumpa sa tungkulin ni Speaker Lord Allan Velasco sa harap mismo ni P-Duterte sa Malacañang.


At least, lubos na natupad ang kanyang pangarap sa birthday niya!


◘◘◘


Pero totoo kaya ang kumakalat na ulat na umeksena sa “blowout party” sa sikat na hotel sina Partylist Representative Sharon Garin at Rep. “Pulong” Duterte?


Nagkainitan ang dalawa dahil sa isyu ng posisyon sa Kamara!


◘◘◘


Ayon sa source, maayos ang oathtaking sa Malacañang pero nang lumipat na ang mga dabarkads sa hotel at doon na nagkaroon ng problema.


Magkakasama umano sa mesa sina Garin at Maguindanao Rep. “Toto” Mangudadatu nang umupo sa kanila si Rep. “Pulong”!


◘◘◘


Sa gitna ng usapan ay biniro umano ni Garin si P-Duterte at sinabing “hindi ka naman bumoto kay Velasco pero nagkaroon ka ng pwesto”.


Pero, hindi umano nagustuhan ng batang Duterte ang biro!


◘◘◘


Nagkaroon umano ng komosyon pero naawat naman ang mga “protagonist”.


Matatandaang nagkaroon ng gusot sa Speakership kamakailan nang hindi bumoto si Rep. “Pulong” dahil parehas niyang malapit na kaibigan sina Velasco at dating House Speaker Alan Peter Cayetano!


◘◘◘


Sa termino ni Cayetano ay itinalagang deputy speaker ang batang Duterte at sa bagong liderato ay itinalaga itong chairman ng House Committee on Accounts.


Pero, iniintriga si Rep. Pulong dahil hindi naman niya aktuwal na ibinoto si Velasco bilang speaker dahil siya ay nag-“abstain”!


◘◘◘


In fairness, matapos ang insidente ay naglabas ng kanyang mensahe sir Rep. Duterte sa “Viber thread” ng mga kongresista kung saan humingi ito ng paumanhin.


Nilinaw niya rito na siya ay didistansiya na sa ruling majority!


◘◘◘


Lihim na pinagpipiyestahan ng mga kongresista ngayon ang Viber message na kumukumpirma sa “sigalot”, subalit humingi na ng tawad si Rep. “Pulong” kay Speaker Velasco.


Kilalang si Garin bilang supporter ni Velasco noong una pa lamang kung saan target sana itong mailagay bilang Chairman ng House Ways and Means Committee na inookophan ni Albay Rep. Joey Salceda!


◘◘◘


May tsismis na inaawitan ni Garin ang komite sa ways and means at planong ilagay bilang Deputy Speaker si Salceda.


Pero, sa reaksiyon ni Garin nilinaw nitong walang kumukuwestiyon sa naging appointment ni P-Duterte!


◘◘◘


“Nobody questions the appointment; I never question it. The Speaker has full trust and confidence in him, hence he chose him”, paliwanag ni Garin.


Hindi kinumpirma ni Garin kung totoo naganap ang kontrobersiyal na insidente nang mag-blowout si Speaker Velasco.


Naaamoy nating mahaba pa ang lihim na giriang ito.


Saan kaya ito hahantong?


Abangan!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page