Sa X'mas party para sa mga staff nila sa bahay…SHARON, OBYUS SA VIDEO NA AYAW MAKATABI SI KIKO
ni Julie Bonifacio @Winner | December 22, 2023

Halatang may something sa mag-asawang Sharon Cuneta at Kiko Pangilinan sa video na kumalat sa socmed na kuha sa Christmas party nila for their household helpers and staff members recently.
Unlike noong mga nagdaang pa-Christmas party nina Sharon at Kiko, madalang makita sa video na magkatabi at magka-holding hands ang mag-asawa.
Magkalayo sina Sharon at Kiko at wala raw nakitang “ka-sweet-an” sa kanilang dalawa during the entire night.
Nakaupo si Kiko sa isang mesa kasama ang kanyang mga anak na sina Kakie at Miel, habang si Sharon ay nasa medyo may kalayuang mesa katabi ang dalawang babae sa magkabilaang side niya.
Tsika tuloy ng mga netizens, tila ayaw talagang bigyan ng chance ni Mega na makatabi sa kanya si Kiko.
Post ni Mega sa kanyang socmed, “At our office and household staff’s Christmas party last night. Their Christmas party every year (btw, it was our first since COVID) is the one day that they are NOT allowed to work! We have it catered, and they all dress up. Thank you, our beloved yayas, drivers, bodyguards, office staff, messengers, and household staff, for taking care of all of us so well! We love you very much!”
Bongga talaga ni Mega at ni Kiko. No wonder maraming netizens ang gustong mag-apply bilang staff ng Pangilinan household.





Comments