top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Sa wakas, umamin na! COCO, PAGMAMAHAL ANG B-DAY GIFT KAY JULIA

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 24, 2023
2 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | March 24, 2023





Nag-react na si Coco Martin sa mga bashers at kritiko ng FPJ’s Batang Quiapo kabilang na nga ang open letter ng isang social media personality and influencer na nagngangalang Rendon Labador.


Matatandaang panay ang labas ng mga birada ng nasabing influencer tungkol kay Coco at sa FPJBQ at sinabing naaapektuhan daw ang mga maliliit na negosyante sa Quiapo dahil sa umano’y abalang idinudulot ng taping ng programa.


Sa panayam ni MJ Marfori ng TV5, sinabi ni Coco na inuunawa na lang niya ang mga ito.


"Hindi ko na lang po pinag-uukulan ng panahon. Kasi, sabi ko nga, hindi ko ‘to makakalimutan talaga. Sinabi sa akin ni Tita Susan (Roces) ‘yan. Sabi niyang ganu’n, ‘Alam mo, hindi mawawala sa buhay natin na kapag hitik ang bunga, talagang may babato’t babato sa ‘yo.'


"Ako, iniintindi ko na lang na siguro, ‘yung mga tao, gustong maghanapbuhay, o kailangan nilang gawin ‘yun (ang banatan siya),” ani Coco.


"Pero alam ko naman na. . . sana, wala silang masamang intensiyon na manggulo o makagulo kasi hindi maganda, eh.


"Pero sa ‘kin kasi, sabi nga nila, kung sino ‘yung nakakaunawa, 'di ba, pagpasensiyahan mo na lang, unawain mo na lang.


"Ako naman, sabi ko nga, sa lahat ba ng blessing na dumarating, siguro ‘yung ano na lang, eh, ‘yung pagiging mabuting tao na lang ang binabalik ko, kaysa patulan pa or ano.


"Parang sa akin kasi, mas marami tayong ano, eh, bagay na puwedeng pag-ukulan. Kasi para sa akin, naghahanapbuhay ka lang naman," dagdag niya.


Nilinaw din niyang wala naman silang nilalabag na batas sa kanilang ginagawang taping sa Quiapo.


"Sa palagay ko naman, wala kaming ginagawang masama o 'di kami lumalabag sa batas. Kasi sa una't una, alam namin po 'yung ginagawa namin.


"Pangalawa, nagpaalam po kami sa Mayor, sa Manila City Hall, meron din po kaming permiso mula sa ating kapulisan, sa barangay, at pati po sa simbahan ng Quiapo, at sa mga kapatid nating Muslim. Lahat po ‘yan, naka-organize at ipinagpaalam po namin nang maayos. Wala po kaming inaapakan na tao.


"Kaya ‘yung mga bagay na ganyan, hindi na lang po namin pinapansin o pinag-uukulan ng panahon kasi hindi naman kami apektado, eh. Dahil alam naman po namin, naiiintindihan naman po namin ‘yung nangyayari sa social media," paliwanag ng aktor-direktor.


Nagpasalamat din si Coco sa success ng FPJBQ at sa lahat ng hardwork ng buong cast and production team.


"Nu’ng in-analyze namin siya, mas malakas siya kaysa sa Ang Probinsiyano. Kaya sobra kaming nagpapasalamat. Kaya ‘yung hardwork talaga, ‘yung pagpupursigi, lahat ng mga kasamahan ko sa production, sa lahat ng mga artista, todo-todo talaga ‘yung sipag at ‘yung pagmamahal du’n sa produksiyon o sa teleseryeng ginagawa namin.


"Kasi, nakikita rin namin ‘yung pagmamahal na ibinibigay din sa amin ng tao, eh. Kaya sinusuklian po talaga namin, kaya tinatrabaho namin ‘yung lahat ng eksenang mga ginawa namin," aniya.


Samantala, naitanong din kay Coco kung ano ang birthday gift niya sa rumored girlfriend na si Julia Montes at natawa nang malakas ang aktor saka sumagot ng "Pagmamahal."


‘Yun na!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page