Sa wakas, Marian! KARYLLE AT DINGDONG, NAGKITA NA ULI SA IT’S SHOWTIME
- BULGAR

- Jun 12, 2025
- 3 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | June 12, 2025
Photo: Karylle at Dingdong - It's Showtime
Nag-trending sina Karylle and Dingdong Dantes kahapon sa X (dating Twitter) dahil sa muli nilang paghaharap pagkatapos ng mahabang panahon.
Guest si Dingdong sa It’s Showtime (IS) kahapon kasama si Charo Santos para mag-promote ng movie, kaya naman nagkita sila ni Karylle na as we all know ay ex-girlfriend ng aktor.
During the show ay nagsama pa sila sa isang stage dahil naglaro sila sa Kidsona segment kasama si Ma’am Charo at iba pang hosts.
Ka-partner ni Karylle si Vice Ganda at si Dingdong naman ay ka-team si Ma’am Charo, of course.
Pinagpiyestahan ng mga Marites sa social media ang pagkikita ng dating magkarelasyon at talagang inobserbahan nila ang kilos ng dalawa, kung may awkwardness ba or what.
In fairness, wala naman kaming nakitang ilangan sa dalawa at nagpaka-professional naman sila. Besides, kahit nasa isang stage sila ay magkalayo naman.
Pero iba-iba ang reaksiyon ng mga netizens. Ang iba’y nagsasabing halata raw ang awkwardness sa dalawa at ang iba nama’y kinikilig pa rin sa kanila.
Bumilib din ang mga netizens sa mga co-hosts ni Karylle na hindi raw talaga nangantiyaw sa dalawa, especially Vice Ganda na alam nating mapang-asar talaga.
Hindi ito ang unang pagkakataon na nagpunta si Dingdong sa IS. Nag-guest na rin siya sa noontime show before, pero that time ay absent si Karylle.
Naging magkarelasyon sina Dingdong and Karylle noong panahong wala pa si Marian Rivera sa buhay ng aktor. Tumagal din ng 3 taon ang kanilang relasyon at naghiwalay noong 2008. Ngayon, pareho na silang happily married.
PABOR si Gabby Eigenmann sa ginawang aksiyon ni Jake Ejercito sa isang influencer na nag-video sa anak nitong si Ellie Eigenmann nang walang permiso.
Matatandaang kinunan ng video ng isang vlogger ang menor-de-edad (13 years old) na si Ellie habang naglalakad at inilabas ito sa kanyang social media page nang walang permiso.
Inalmahan ito ni Jake at nagbantang magsasagawa ng legal action tungkol dito.
Nang makausap namin si Gabby sa grand presscon ng Encantadia Chronicles: Sang’gre (ECS) kung saan ay isa siya sa cast, nahingan namin ng reaksiyon ang aktor tungkol sa nangyari sa kanyang pamangkin.
Para kay Gabby, tama ang ginawa ni Jake at sey nga niya, “That was the right thing to do, alam mo ‘yun? I cannot disagree more.”
Dagdag pa niya, kung siya rin ang nasa posisyon ni Jake ay ganu’n din ang gagawin niya.
“Si Ellie, gaganyan-ganyan lang ‘yan pero game naman ‘yan, eh. Pero ‘pag ganyan na uncomfortable s’ya... you’ll know when a person is uncomfortable, eh. It’s not just because it’s Ellie. It could be someone else.
“It could be someone else na ‘pagka tinapatan mo na ng camera and uncomfortable ‘yun, you’re evading the space na kaagad, eh. So, tama ‘yung ginawa ni Jake,” saad ng aktor.
Samantala, sa ECS ay ginagampanan ni Gabby ang role ni Zaur, isang matapang na warrior sa kahariang Mine-A-Ve.
Ayon sa aktor, ang una niya raw sanang gagampanan ay ‘yung role ng yumaong si Ricky Davao mula sa mundo ng mga tao.
“When Sang’gre was offered to me, I was supposed to be sa mundo ng tao. I was supposed to do Tito Ricky’s role but I was doing My Guardian Alien during that time. Hindi ako pinayagang tumawid.
“So, natuloy sila. So, akala ko, parang hopeless na. Parang wala na. Kasi, hindi talaga ako papayagan kasi ginagawa ko pa ‘yung My Guardian Alien.
“Nu’ng patapos na kami, they (Sang’gre production team), came up with a character which is ‘yun nga, si Zaur. So, natuwa naman ako kasi nagawan pa rin ng paraan na maipasok pa rin ako,” tsika niya.
Magsisimula na ang Sang’gre sa GMA Prime na pagbibidahan ng mga bagong Sang’gre na sina Bianca Umali (as Terra), Kelvin Miranda (as Adamus), Faith Da Silva (as Flamarra), at Angel Guardian (as Deia).
Kasama rin dito sina Glaiza de Castro, Kylie Padilla, Sanya Lopez, Gabbi Garcia, Rhian Ramos, Jon Lucas, Manilyn Reynes, Boboy Garrovillo, Mikee Quintos, Vince Maristela at marami pang iba.







Comments