Sa wakas daw, nahanap na si Mr. Right! ANGELICA, TINAWAG NA PATRON NG MGA TANGA SA PAG-IBIG
ni Julie Bonifacio - @Winner | October 11, 2022

Damang-dama ng mga netizens ang umaapaw na kaligayahan ni Angelica Panganiban based not only sa latest video niya ng marriage proposal sa kanya ni Gregg Homan kundi sa buong journey ng pregnancy niya sa kanilang baby na si Amila.
Nakakahawa ang happiness ni Angelica sa social media. In fact, ginawang santa ng mga netizens si Angge.
“Santa Angge, ang patron ng mga tanga sa pag-ibig, finally, nanalo na sa pag-ibig. Congrats!
Prayer reveal naman d'yan @angelica_114 #SanaAll https,” post ng netizen na may account name na Dear Krissy.
Ini-repost ni Angelica sa kanyang Twitter account ang tweet na ‘Santa Angge.’
“Salamat, hintayin mo lang, at titila rin ang ulan ng kamalasan. Tiwala, manalig at manatiling mabuting tao kahit ano pa sabihin nila tungkol sa 'yo."
Overwhelmed naman ang netizen na may account name na Dear Krissy sa pag-retweet ni Angelica ng post niya.
“Thank you sa pagpansin @angelica_114 Lodi ka namin. Please pray for us.”
Samantala, super express din ang ibang netizens sa nadarama nilang happiness for Angelica.
“Pinakyaw mo na lahat!!! Dazurb!!! Love you forever, Sta. Angge!!!”
“Dasurb talaga lahat ng blessings. Congratulations, Sta. Angge."





Comments