Sa wakas! ANGELINE, IPINAKILALA NA SI NONREV DAQUINA NA TATAY NG ANAK
ni Nitz Miralles - @Bida |February 25, 2022

Ipinakilala ni Angeline Quinto ang boyfriend at ama ng isisilang na anak kay Vice Ganda at sa mom ng komedyante na ang tawag ni Angeline ay kanyang second family.
Ang nabasa naming comment, guwapo raw ang BF ni Angeline at natutuwa sila na dahil sa kanya ay masaya ngayon ang singer.
Nalaman naming Nonrev Daquina ang pangalan ng BF ni Angeline at younger sa kanya nang three years, kaya tama ang sabi ng mga fans ni Angeline na bata ang kanyang BF.
Naikuwento na rin ni Angeline kung paano sila nagkakilala ng kanyang dyowa at kung paano nagsimula ang kanilang love story.
Anyway, sa April na manganganak si Angeline at kahit noong in-announce pa lang niya na buntis siya, marami na ang nag-congratulate sa kanya at wish nilang maayos ang kanyang panganganak.





Comments