Sa USA nakatira, matagal ‘di nakita… SHARON, IPINAKILALA ANG ISA PANG ANAK NA LALAKI
- BULGAR

- Apr 8
- 3 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | April 7, 2026

Photo: FB Sharon Cuneta
May isa pa palang anak si Megastar Sharon Cuneta na ipinakilala na niya ngayon sa publiko.
Noon pa naman ay nababanggit na ng singer-actress na may isa pa siyang anak na matagal nang naninirahan sa US at hindi na rin niya nakikita.
Naging open book na rin sa publiko ang kanyang personal na buhay dahil sa ilang dekada na niya sa showbiz.
Pagbubulgar ng Megastar, matagal na raw niyang itinatago ang kanyang anak, pero noon pa man ay pahapyaw na rin niya itong nababanggit, bagama’t hindi gaanong binibigyang-pansin ng mga netizens.
Kilala na ang mga anak ni Sharon kagaya nina KC Concepcion (sa dating mister na si Gabby Concepcion), Frankie, Miel at Miguel (kay Sen. Kiko Pangilinan).
Sa Instagram (IG), ipinakilala na sa publiko ni Sharon si Curtis Christopher Cuneta, na matagal niyang hindi nakasama dahil ito ay nakatira at lumaki sa United States.
Si Curtis ay anak ng kapatid na lalaki ni Sharon. Kahit hindi siya ang tunay na ina, buong-puso pa rin niya itong minahal. Malapit na ang loob nito sa kanya kahit noong bata pa kaya itinuturing na rin niyang tunay na anak.
Miyembro ng United States of America (USA) Army si Curtis.
Ani Sharon, “I’m with my son Curtis. I’m so happy to see him. He looks like me. He looks like my Tatay, my dad.”
Malapit din ang loob ni Curtis kay Sharon kahit nakatira siya sa United States. Sa katunayan, ‘Mama’ ang tawag niya sa kanyang tita.
Naging emosyonal ang dalawa sa muli nilang pagkikita matapos ang mahabang panahon.
Sa pagbisita sa Pilipinas, isinama rin ni Curtis ang kanyang asawa na si Korinne upang ipakilala sa kanyang ina-inahan.
Mensahe ni Sharon Cuneta para kay Curtis at sa asawa nito, “I thank God that He chose you for my boy. It’s so easy to love you.”
Ayaw pang umamin… ALEX, PINAGDUDUDAHANG BUNTIS NA DAHIL SA POST
HINDI naman pala tuluyang ipinagkait ni Ellen Adarna kay Derek Ramsay ang anak nilang si Lili. Katunayan, kasama ang mag-ina sa bakasyon ng pamilya ni Derek at overjoyed naman ang aktor.
Sa Instagram (IG) Story ng estranged husband ni Ellen, may post itong: “My little girl got some swag! A massive thank you to the team at @discoverersamal. Your attention to detail and warm service made our family vacation truly spectacular. We can’t recommend this place enough.”
Marami ang nakapansin sa aura ng anak nilang si Lili. Habang lumalaki, nagiging kamukha raw ito ng anak ni Ellen kay John Lloyd Cruz, si Elias.
Ilan sa mga komento ng mga netizens:
“Lumalaban ang dugo ni Ellen habang lumalaki si Lili.”
“Ang gandang bata, kamukha ng Papa, little Derek.”
“She looks like her brother Elias, beautiful baby.”
“Parang si Derek ang galawan.”
“Hawig na ng daddy n’ya. Hehehe! Sana, magkaayos sila.”
“Genetic goldmine.”
“Looks like you just hit copy paste. She’s your carbon copy.”
True, sobrang ganda ng batang ito!
Ayaw pang umamin…
ALEX, PINAGDUDUDAHANG BUNTIS NA DAHIL SA POST
NAKAKA-TOUCH ang pasasalamat ni Alex Gonzaga noong nakaraang Easter Sunday na naging usap-usapan online.
Aniya sa kanyang Instagram (IG) post, “Thank you Jesus for this life that we have together. Thank you for your grace, trials, favor and blessings.”
Ibinahagi ni Alex ang series of photos sa kanyang IG, na may kasamang panalangin ng pasasalamat para sa kanyang buhay at pamilya.
Dahil dito, marami ang umaasang buntis na siya.
Sey ng mga netizens:
“Uy! Ano’ng meaning nu’ng this life, Ate Alex!”
“Baby dust na ba? Hoping for positive news for you and Mikee.”
Hindi naman kinumpirma o idine-deny ng aktres-vlogger ang mga haka-haka. Ang kanyang post ay malinaw na puno ng pagmamahal at pananampalataya.
Kung ito man ay tungkol sa bagong dagdag sa pamilya o simpleng pagninilay sa kanilang buhay-mag-asawa ngayong Easter, malinaw na nasa isang masaya at mapagpasalamat na yugto si Alex Gonzaga ngayon.





Comments