Sa tono ng aktres, this is it, Bea!... RELASYONG GERALD-JULIA, PAPUNTA NA SA KASALAN
- BULGAR

- Mar 12, 2021
- 2 min read
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | March 12, 2021

At 24, ayon kay Julia Barretto ay marami pa raw siyang gustong gawin bilang aktres. Pero pagdating daw niya ng 26, gusto na niyang magkaroon ng sariling pamilya, which is 2 years na lang from now.
Ito ang ipinahayag niya sa interview niya with photographer BJ Pascual para sa Musings YouTube channel nito released last March 10.
Tinanong kasi ng young photographer kung ano pa ba ang gusto ni Julia na gawin na hindi pa nito nagagawa.
“As an actress, ang dami ko pang gustong gawin na story, ang dami ko pang gustong gawin na movies, to take on different roles, especially that I’m getting older, mas nagiging mature na rin ang roles that I’m allowed to do and that I’m willing to do,” saad ng aktres.
Pero bukod dito, aniya ay simple lang naman ang gusto niya sa buhay.
“I just wanna have a family. ‘Yun lang talaga. So I feel like at 24, magwo-work na ‘ko, sobra, tapos siguro, 25, work din, sobra. Para 26 and above, puwede na akong mag-start ng family ko.
“'Yun ang dream ko talaga for myself since I was young. So ‘yun, to answer your question, now that I’m 24, I think I just really wanna hustle now, hustle next year, and then figure out from there how to start a family,” she said.
Ikinumpara pa ni BJ si Julia kay Ivana Alawi dahil pareho raw sila ng gusto na magkaroon na ng pamilya.
“I think we’re both ano, eh, we’re so close to our family, our siblings and parents, so I feel like it has an influence on the things na we want.
“Like I have such a good family, I have such a great mom, great siblings, close-tight relationships. My mom is my best friend. So parang I look forward to having my own like that,” sabi ng girlfriend ni Gerald Anderson.
Julia just celebrated her 24th birthday last March 10, pero bago ito ay matatandaang lumantad na sila ni Gerald sa kanilang relasyon.
Though it’s still too early to say kung sa kasalan na ba hahantong ang kanilang pagmamahalan, pero base sa tono ng aktres ay doon na gumagawi ang kanilang relasyon.





Comments