Sa Tate na raw mag-aartista… SIGAW NG PADIR: FAKE NEWS NA BABU NA SA ‘PINAS SI JAMES
- BULGAR
- Feb 21, 2022
- 1 min read
ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | February 21, 2022

Babalik pa pala ng Pilipinas si James Reid at hindi totoong for good na ang pagpunta niya sa Amerika tulad ng mga nasulat na inakalang doon hahanapin ng singer-actor ang kanyang career bilang mang-aawit.
Simula kasi nang matapos ang kontrata niya sa Viva Artist Agency at hindi na nag-renew ay hindi na nag-boom ang karera niya at nasabay pa sa pandemya noong 2020.
Nadagdag pa sa kaisipan ng mga nakakita sa pa-despedida kay James ng mga kaibigan niya ang nakalagay sa cake na “Von Voyage, Good Luck, James.”
Anyway, kinlaro ito ng ama ng binata na si Ginoong Malcolm Reid sa kanyang IG account kung saan nag-post siya ng larawan nila ng anak noong ihatid niya ito sa NAIA kamakailan.
Ang caption ni @malreid1, “With James at NAIA a few days ago. On his way to LA for recording sessions and to visit his brother Andrew. That’s it. Anything else is basura… sorry to disappoint the fake newsmakers."





Comments