Sa tangkang pag-agaw sa Greenland... Denmark, nagbabala sa US
- BULGAR

- 1 hour ago
- 1 min read
by Info @World News | January 13, 2026

Photo: Denmark Prime Minister Mette Frederiksen at Pres. Donald Trump / FB
Nagbabala ang Denmark, isang kaalyado ng North Atlantic Treaty Organization (NATO), laban sa anumang puwersahang pagkuha ng Greenland matapos muling ipahiwatig ni US President Donald Trump ang ganitong posibilidad.
Ayon kay Prime Minister Mette Frederiksen, nasa mapagpasyang sandali ang Denmark sa Diplomatikong alitan ukol sa Greenland.
Binigyang-diin niya na may umiiral na alitan at ang isyu ay may mas malawak na epekto sa pandaigdigang ugnayan, hindi lamang sa kinabukasan ng teritoryo.
Dagdag pa ni Frederiksen, handa ang Denmark na ipagtanggol ang kanilang mga pinapahalagahan, igalang ang International Law, at suportahan ang karapatan ng mga mamamayan sa sariling pagpapasya, lalo sa rehiyon ng Arctic.








Comments